Monday, December 31, 2007

Never Ending Happiness

Hanggang ngayon wala pa siya. OK lang may bukas pa pero malabo. Aalis ako bukas. Bahala na.

Dec. 29

May lakad kamingg dalawa. Natuloy kami. SM Megamall ang meeting place. Dahil pinapalayas na ako ng nanay ko umalis ako at ng kaibigan ko dito ng 2:30. Pagdating namin dun nakipagkita ang kaibigan ko sa classmate nya. Laboy laboy muna. Hanggang sa dumating ang takdang panahon. Andun na siya. Nagpapanic nanaman ako. Sa Red Ribbon kami magkikita dahil gutom ako at nararamdaman kong gutom sya. At yun gutom nga sya. In a few moments, dumating na sya kasama ang kapatid at mga pinsan. Pero tumiwalag naman sya. At yun kumain na kami. Usap usap. Kahit mga walang kwentang bagay e pinagsasabi ko na, hindi lang sya mainip. Oo concern nanaman ako. Bumili sya ng envelope sa NB at sinamahan ko naman. After nun nanonood kami ng sine. Shake Rattle and Roll. Bumili ng popcorn at imbis na matakot tinawanan ang palabas. Nang matapos hinintay ang mga pinsan nya sa labas ng sinehan. Sabay sabay lumarga. Pumuntang toy kingdom at may nakitang kaibigan nya. Nung pinakilala ako, nagulat ako. Sabi nya "Ah siya pala yung cyrile!". Wow sikat pala ako! :))) Umalis kami at nagkayayaan silang kumain sa KFC. Hindi ako kumain dahil busog naman ako at wala na talaga akong pera. Nakakahiya ako. Ang hirap maging dukha. Pero nauwi din sa nilibre ako. Hiyang hiya ako. Sobra. Ayun. Kwentuhan ulit kaming dalawa. Komportable na ako sa kanya. Promise. Pakiramdam ko close pa kami kesa sa mga kaibigan ko na lagi kong nakakasama (didisregard ko ang mga kaibigan kong tunay). Basta yun. Nawala yung hiya ko. Hanggang sa umabot yung time na gusto ko ng magtapat pero hindi ko alam kung paano. At the same time natatakot ako. Natatakot ako dahil kahit alam ko na ang pagtingin namin sa isat isa wala pa rin yun kasiguraduhan na tatanggapin nya alok ko. Natatakot ako na baka mangyari ulit na mareject ako. Ayoko nun. Ang sakit nun. Basta ang hirap iexplain ng mareject. Tsk. Hanggang yun. Naglakas loob akong itanong, pinabasa ko ang text dahil hindi ako makapagsalita. Sabi nya hindi ko alam. Natahimik ako. Mixed feelings. Pero inisip ko nalang na maging masaya. Hindi ko trip ang magpa-alila sa lungkot o kahit ano pang related sa kanya. Pero kahit ganun wala. Nangingibabaw pa rin ang worry at takot. Ang hirap. Pero special sya. Rare Species. One of a kind. The best girl. No one can replace her. Basta kakaiba ang epekto nya. Basta. Yun nga nakakamiss. Gusto ko syang makasama araw araw. Iba yung pakiramdam nung kasama ko sya kahapon. Walang stress walang pressure. Lahat ng problema wala. Ang nasa utak ko lang e ang siya at kung paano ko sya papasayahin.

Cleared

Pangalawang Post! Naks! Hindi ako masipag! Nalulumbay ako! Bakit? Hindi ko sya nakausap at hanggang sa mga oras na to umaasa pa rin ako ng mag-oonline sya at mag-uusap kami. Lalo akong nalulungkot. It's not a day without anything from her. Ampf! Magkekwento nalang ako tungkol sa aming dalawa.

Dec 28. Mga hapon o gabi ata yun. Basta ewan. Niyaya ko syang lumabas. Ako ang magsisilbing tour guide nya sa araw na yun. Tutal last day nya nanaman. At may pakiramdam akong gusto kong maranasan at magawa nya yung mga bagay na hindi nya pa nagagawa sa buhay nya. Hindi ko alam kung bakit parang napaka special nya sa akin. Never akong ganito kahit sa unang pag-ibig pero hindi kami. Ewan. Compare sa lahat ng niligawan ko never ko tong naramdaman. Parang super concern ako kahit hindi naman kelangan. Basta yun. Niyaya ko siya. Gusto ko syang pasayahin. Pero nauwi sa pagback out ko. Bakit ewan? Nahihiya ako. Wala akong pera. Bakit ba lagi kong pinoproblema ang pera? Kasi nahihiya ako. Baka isipin nya ang dukha ko, baka isipin nya na if ever magiging kami wala akong maipapakain sa kanya o malilibre. Hindi ko alam. Concern talaga ako. Yun ang isa sa dahilan ko. Isa pa tinatamad ako. Pero 5% lang yun. Ayun. Sa pag-uusap namin. Ramdam ko ang disappointment nya. Ayokong itanong dahil nahihiya ako. OO may hiya pa naman ako. <\n> Nang inutusan na ako ng nanay ko na matulog, chineck ko muna ang multiply at fs ko. Pag ka reload ko ng multiply parang na-curious ako. Ang dami nyang post hindi normal yun. Dahil once in a blue moon lang sya magpost sa multi. Out of curiosity binasa ko. Nagulat ako sa nabasa ko. Ewan. Ang saya ng pakiramdam ko. Nakalimutan ko ang utos ng nanay ko. Nanginginig ako sa tuwa. Iba ang pakiramdam, parang "Wow! I'm Alive". Parang ganun. Unexplainable happiness. Bigla ko syang in-IM sa ym at tinanong ang tungkol dun. Speechless sya. Masaya ako. Natutuwa ako sa reaction nya. Basta masaya ako. Ayun. Hanggang sa mapagusapan yun. Usap usap. 360 degrees na ang ngiti ko sa muka. Hanggang sa umabot ako sa desisyon na ituloy ang lakad namin, at buti naman nasabi nya ang SM at least wala na akong aalalahanin. Nawala ang concern ko sa pera. Sinabi ko naman sa kanya na wala akong pera. Sabi nya sya na daw bahala. Humindi naman ako. Kasi kahihiyan ko yun. Basta masaya ako!

The Beginning

Tsk. Ampf. Ewan. Tama magandang simula yan. Ayun. Magbabalik loob ako sa blogspot ngaun at sana may susunod pa kung ako tatawagin ni kaibigang kasipagan. At magtatagalog na rin ako. Mas komportable ako at mas nasasabi ko ang aking nararamdaman at napapabilis pa ang pagtype ko. Pero hindi yan ang highlights kung bakit ako sinipag magsulat dito at mukang mapapahaba ito.

Ayun. Dec 24 nagkita rin kami ng babaeng inaasam asam kung makita (kala mo kaw lang ang umaasam na makita ako). Nagpapanic ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Wala akong perang pampakain sa kanya dahil alam kung pagkain lang ang kaya kong ibigay at alam kong kasiyahan nya. Pumunta muna ako sa bahay ng aking matalik na kaibigan para magpalipas ng oras at makipagkita na rin dahil sa higpit ng aming sked pati na rin pala sa pagkakakaaway namin dati. Kwentuhan at nangulo ng buhay ng isat-isa habang hinihintay sya. Nang kami ay mainip na nagdesisyon kaming lumarga tutal ang kanyang pinakamamahal e umuwi na rin. Eksaktong malapit sa tagpuan sya ay nagparamdam na. Tumigil ang mundo ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Wala akong nakahandang talumpati na pedeng ibato sa kanya. Wala akong alam in short. Gustuhin mo mang mag-moonwalk at pabagalin ang oras wala akong magagawa dahil hindi naman ako si Hiro Nakamura (Heroes : Kung hindi nyo pa napapanood yan, panuorin nyo! The best! Ayan ini-endorse ko na!) at wala rin akong time machine na hanggang ngayon e wala pang nakakaimbento. Ang haba ng eksplenasyon ko tama na. Pero wala rin nasa tapat na rin ako ng tagpuan. Kelangan ng ihanda ang mga nalalabing salapi mukang hardcore to. Kasama ang dalawang alepores ko biro lang kaibigan ko sila, dahil hindi ko kayang mag-isa at harapin syang magisa. Hindi ako natatakot. Nahihiya lang ako. Gusto ko rin ng referee na if ever e bigla nya akong sakalin sa tuwa kung matutuwa man sya sa mala-anghel kong pagmumuka e may aawat sa kanya. Habang ang dalawa kong kaibigan e naisipang umorder ng kanilang kakainin, e naramdaman ko ang chakra nila. Patay. Anong gagawin ko?! Ampfness! (FYI : ang ampfness na ang mura para sa akin dahil hindi ako nagmumura) Ayun. Salamat sa cap ko at may panalag ako. Pero naramdaman nya rin ang chakra ko. Simula na ang kahindik hindik na palabas. Umupo sya sa harap ko. Kasama nya ate nya na dahilan para mas lalo akong maging speechless at manghina pero umalis din naman. Bating panimula ko sa kanya e kung gusto nya bang kumain. Kelangan nyang pumayag dahil pipilitin ko sya. Umorder ako ng Halo-Halo (muntik ng ice cream ang ilagay ko). Tamang tama sa panahon, Malamig, samahan mo pa na habang kumakain kami nasa tapat kami ng aircon. Solve. Ayun kwentuhan. Palitan ng regalo. Usap usap. Hanggang dumating ang ate nya. At yun kwentuhan ulit. Sila na ang naging bida ang ate nya at ang mga kaibigan ko. Extra nalang kami. Nang dumating ang alas sais, nagpaalam kami sa isat isa. At ayun.

12 na. Xmas na. Via texting sabay kami nagbukas ng regalo. Pinauna ko sya (pero hindi kami sabay nagbukas dahil nga pinauna ko siya! Tanga ampf) Ayun. Ready na ako para sa disappointment, dahil nga sa regalo kong unggoy na binigay ko sa kanya na galing blue magic. Pero ng nalaman kong very appreciated naman pala e nabunutan ako ng tinik. Ayun walang sawang pasasalamat at sinabi nya pang may resemblance kami. Ampf. My turn. Ayun binuksan ko habang ang mga pinsan ko e nakapalibot sa akin. Hindi ko alam. Parang ang special ko e magbubukas lang naman ako ng regalo. Pagbukas ko, tumulo laway ko (idioms lang mga brad) dahil hindi ko akalain ang binigay nya. Lacoste na pabango at Wallet na Girbaud. Ampf. Yun ang nasabi ko. Pero ang pagkakataon nga naman. Kung kelan ko kelangan ng wallet at pabango e dun sa dumating. Napakahusay mo. Ayun. Walang sawang pagpapasalamat din ang binigay ko sa kanya.

Tuesday, December 11, 2007

Depleted

Both my mind and body are always drained since the second semester start.

One subject was the only source that's why I am always drained and that is none other than COMP104 (System Analysis and Design). Shit. Every time I stepped on the floor of that room and saw the visage of that professor makes me weak. Every words that came out to her was one of the reason why I always feel this abnormalities. In addition, every time she torture us and gave a mini project (for her, not for us) is a big hindrance to my happiness. Instead of doing unnecessary things, I am oblige to force my mind and put all my time doing this project. I also realized that I have no rest day even the weekends is not exempted. One big big factor is my group mate. Yes this project is a group my project, but I am the one who manage all of this. I am the brain at the same time the body of this project.

-\m/-

I didn't imagined that one of my favorite subject was also the suspect. That is IT105 (Application Development). This is a programming subject that's why I like it, because someday I want to be a programmer. I feel irritated to my professor, the way he taught us is not appropriate for me, because of his voice.

That's all for now.

Wednesday, November 21, 2007

Preparation

I didnt expect that this semester will be a tough one. Argggg. I expect that this semester will just like the previous semester i took, but i didnt met that expectations. But it is ok. Still this semester will going to pour more blood. System Analysis & Design. One of my major. I thought that this subject will focus on programming, I have no idea. Then the time has come. 2nd day of our meeting, last week. Our professor orient us about the subject. A lot of talking and explanation. She mentioned about the project that we will undergo. Since it is a project we feel comfortable unfortunately she mentioned the words "THESIS" and "DEFENSE". We all shocked based on what we here. During that time, I think my world was going to destroy. Most students didnt want to make this type of project.

I need to focus much more in this subject. This subject needs to consume more analyzation and efforts.

Tuesday, November 13, 2007

Alter Ego

Now I am starting to change the face of my blog. From tagalog to english post. I am opposing my previous post about people who wrote an english post.

Why I am doing this? Because I need to improve my writing skill at the same time to improve my grammar. I woke up one day, realizing that I need it, also I have a subject which is writing in discipline. I'm become conscious in writing and talking english.

This is just an introduction about the changes in my blog. I hope you'll accept and still be one of my readers even though I am not active and communicate to you guys. I'm between life and death because of school works.

That's all.

Friday, October 12, 2007

Spyware

Wala lang akong magawa. May exam pa ako sa Theology bukas pero eto ako hindi nag-rereview, ang galing ko talagang estudyante. Pagaganahin ko nanaman ang kapangyarihan ng stock knowledge ko. Napapansin ko kasi lately, pag oras na ng exam, may kakayahan akong ibalik ang mga natutunan ko kahit hindi ako nag-aaral. Pero wala syang kinalaman sa ipopost ko talaga.

Mahal ko ang computer ko, pero wala akong anti-spyware. Bumibili ako ng kung ano anong software pero ang anti-spyware ang lagi kong nakakalimutan bilhin. Kala ko kasi malakas ang panangga ng computer ko laban sa mga spyware kaya lagi kong nakakalimutan bumili nun. Lagi ko tong dine-defrag at kini-clean-up para naman maging ok to, pero hindi pala sya ganun ka ok para i-check lahat kung may kung anong uod ang dumapo sa system ko. Pero dati pa yun nung aanga anga pa ako. Ngaun umeepekto na ang sintomas ng pag-atake sa akin ng mga spyware. Bigla nalang to namamatay. Nung una sabi ko baka may napindot lang ako, pero naulit, naalarma na ako, pero hindi ko pa rin naisipang bumili ng anti-spyware. At yun one time bigla nalang nagloko pC ko, nag-corrupt at hindi maayos ang POST nya, kahit ang pagpasok ko sa BIOS/CMOS set-up e apektado dahil sa unknown language na nakabas sa PC ko. Kaya pinatay ko sya at nagpabili na ako sa nanay ko ng anti-spy pero hindi sya bumili.

Hanggang kahapon, kausap ko ang isang kaibigan. Nirekomendahan ako ng anti-spy. Hack nga lang. Napakahusay. Pero ayos na rin kesa naman sa wala at libre pa. :)))))

At yun nga naisipan kong i-scan ang PC ko, at napa-wow ako sa daming spyware na meron ako. 363 silang lahat. Buti nalang hindi malalang spyware ang pumasok sa akin. Medium lang rank lang sila.

Yun lang.

P.S Gusto ko ng palitan ang processor ko kahit Core2 Extreme lang. 4GB na RAM. Yun lang naman ang kahilingan ko. Pero kung mabait kayo, bilhan nyo nalang ako ng CPU. :D Isa pa pala. Gusto ko ng OS ng Windows XP Black (illegal yan! hahaha!)

Saturday, September 29, 2007

Resident Evil

Tapos na talaga dapat ang make-up class namin pero dahil may game nung araw na may make-up class kami hindi na namin napasukan ang last subject namin. Kaya eto ngayon ang araw para ituloy ang last subject namin. Naka-civilian ako. Pag pasok ko kala ko hindi ako papasukin dahil lahat ng estudyante e naka-uniform, mabuti nalang hindi ako hinarang at pinapasok ako.
After ng class nagmamadali na ako dahil nagbabalak akong manuod ng sine. Pero dahil ako'y kinonsyenya ng mababait kong kaibigan sinamahan ko muna sila at nagpaturo sa akin ng INPUT MASKING. Ayun naturo ko naman at nagmamadali akong pumunta sa malapit na mall na malapit sa Santolan Terminal.
5:10 ang pinakamalapit na time para masimulan ko yung movie. At dahil 4:45 palang bumili muna ako ng isang bucket ng popcorn at isang coke in can. At yun pumasok ako ng sinehan, pag akyat ko sa taas ang konti ng tao. Hindi ko ineexpect yun, pero ok na rin para in case na may mangyari sa aking kakaiba ako lang ang makakita. Bago mag-start ayun binuksan ko na ang coke ko, dahil madilim, hirap na hirap akong buksan, hindi ko na pala na wala na sa tamang pwesto yung bukasan at nagresulta sa pagkasira ng bukasan. wahahaha! Nasira ko ang bukasan nang hindi ko nabubuksan ang softdrinks. Nagpapanic na ako, dahil sayang naman ang coke kung hindi ko to bubuksan at mabibilaukan ako pag wala akong panulak nagisip nalang ako ng mga paraan. 1.) Lalabas ako at papabukas ko nalang kay ateng tindera, pero sabi ko baka magsimula sayang naman. Kaya pilit ko syang binubuksan gamit ang daliri ko pero walang nangyari, naghahanap ako ng mga bagay na matigas sa dala kong bag. Dahil puro bond paper, isang ballpen at ID lang ang laman nun, no choice ako at kailangan kong gamitin ang ballpen ko. Pasalamat nalang talaga at wala akong katabi at kahilera sa upuan at hindi nakita ang kahiya hiyang pinagagagawa ko. At isa pa buti nalang wala akong masyadong katabi at hindi nila napapansin pag-nagugulat ako, dahil halimbawa baka may katabi ako lagi akong tignan at magtaka kung anong nangyayari sa akin. So yun tuloy lang ng panonood. Magbibigay nalang ako ng mga parts, higlight, comments sa napanood ko

++ Ang astig ng fighting at shooting style! Naelib ako!
++ Gusto ko ang damit nila
++ Babae nanaman ang natira sa palabas na yun! Sabagay babae naman ang bida! Pagbigyan!
++ Ang high-tech! wahaha!
++ Hindi enemphasize ang laban nila ng kontrabida, namatay lang nang walang kakwenta kwenta.
++ Nabitin ako sa palabas na yun
++ Pede ng pagtyagaan

Ayun nagdesisyon lang akong manuod para masulit ang araw ko.

Tuesday, August 14, 2007

Marimar

Kanina papauwi na ako ng bahay. Syempre nag-LLRT ako bago umuwi. Dun ako laging nakapwesto sa peborit spot ko, sa may gitna. Marami na akong taong nakakasalamuha pero kanina lang ako nakarinig ng usapan tungkol kay MARIMAR (note: lalaki sila pareho, at hindi mo iisipin na bading sila). Hindi ko maiwasang hindi makinig dahil na rin siguro sa topic nila na hindi ko maisip na sa dami dami ng pedeng topic na pagkwentuhan nila e yun pa ang napili nila. Ayun nga. Natatawa nalang ako sa dalawang lalaking yun.

TOPIC MARIMAR

"Polgoso (tama ba spelling)"
Lalaki 1: Lagi ko sanang panunuorin yung Marimar e, kaso nakakabadtrip lang yung asong yun, nagsasalita
Lalaki 2: Oo nag (tawa). Diba hindi naman golden retriever si Polgoso?
Lalaki 1: Oo! Yung sa Marimar dati mabalahibo na ewan e.
Lalaki 2: Oo nga e!

"Angel o Marianne (Rivera)"
Lalaki 1: Di ba dapat si Angel Locsin ang gaganap na Marimar?
Lalaki 2: Ewan ko, basta okay naman si Marianne e. Tamang tama naman ung Apelyido nya e. RIVERA. Kasi diba ang mga Heneral e Rivera ang apilyido

comment ko: hindi ko alam kung bakit nahaluan ng history ang topic nila tungkol sa 2 babae!

"sino si Jestoni Alarcon?"
Lalaki 1: .... Si jestoni alarcon
Lalaki 2: Hindi si Jestoni si Serio (tama ba?), yun yung ka-loveteam nya!
Lalaki 1: Sya yun.................. (nakalimutan ko na ang mga sumunod na pangyayari)


Pinipigilan ko lang tumawa kanina kasi baka magmuka akong tanga kasi tumatawa ako mag-isa. Ayun.

Friday, July 27, 2007

... and LETRAN beats BEDA

wuhu! oo! natalo namin ang BEDA!

Dapat cut-off ang klase ng mga 11:30 hinde ko alam na may ganung school na gagawin ang lahat pati ang pagputol ng klase alang-ala sa pagsuporta ng team ng letran. Pero hinde naman naputol, nawalan lang kami ng klase nung last subject.

Ayun sa aming magkakaibigan dalawa lang kaming magkasama manuod at napilitan pa ako na bayaran ang kalahati ng pambibili nya ng ticket. Ayun ok naman marami din kaming nakasabay karamihan mga kaklase ko sa math. Kaya ang istilo dun pakiramdaman kung sino unang bumaba nasa tamang lugar na kami. Salamat nalang sa kundoktor.

Dun kami sa taas dahil maliit lang naman ang lugar unlike sa araneta. Kaya hinde naman ok lang kung sa pinakamataas ang bibilhin naming ticket.Pagpasok namin last minute na ng laban ng JRU - BENILDE at panalo ang JRU.

Hanggang sa magsimula na ang most awaited face-off. Syempre as expected labanan ng sigawan at ng kung ano ano pa. Dahil most awaited nga syempre maraming nanuod.

First at 2nd game sakop ng Beda ang laro na umaabot ng 15 ang lamang nila. Kaya nakakatamad panuorin yung tipong gusto mo ng umuwi.

Pero pagdating ng half-time. Yung cheering portion dun, wala lang. Nagising ako ang yabang kasi ng intermission number namin e tapos all boys pa. Puro kayabangan ang ginagawa nila kaya masaya!

Pagdating ng 3rd quarter, ayun nagsisimula ng humabol ang team namin at kami e na a-alive na rin. Hanggang sa kami na ang lamang at dun na yumayabang ang mga Letranista. Pero patawa lang naman dun si Motombo este si Ekwe. Ang kulit maglaro parang tanga lang.

Pero nung 4th quarter e tumataas na ang tension ng laro kasi nagkakahabulan na ng score. Pero in the end. Kami pa rin ang nanalo. 70-69 ang score.

Kanina naman sa bus nung pauwi na ako, puro bedan ang kasabay ko pero wala namang parinig na nangyayari. Pero nung nakatabi ko yung teacher o nanay na kampi sa beda e, binanatan nalang ako na parang close kami na "tsamba lang ang panalo nyo" Badtrip yun?! Sasagutin ko sana na "Ganun po talaga pag talo, maraming angal" sabay ngiti. Pero hinde ko na sinabi kasi respeto nalang sa kanya. Kaya nginitian ko nalang sya!

Thursday, July 5, 2007

Hold-Up

Yehey! Kabilang na ako sa libo libong populasyon na nakaranas na ng pag ka hold-up sa manila! Tama! Nahold-up ako!

Kanina habang papasok ako sumakay ako ng jeep dahil yun ang ruta ko papasok ng skul! Konti ang pasahero at napilitan akong sumakay dahil nagmamadali ako! Sa harap ako napwesto! Ayun! Sa may bandang Sta. Cruz, dun naganap ang memorable experience ko! Nung tumigil ang jeep medyo nakakaramdam na ako ng masamang pakiramdam! Nung nakita ko palang si manong at yung boy nya na naghiwalay dun ko na-confirm na tama ang hinala ko! Sino ba naman ang magkasamang gugustuhing maghiwalay sila ng uupuan! Dapat bababa na ako kaso wala e, corner na ako. Tsaka pagpasok palang kinapa nya na agad ang bulsa ko e andun pa naman cellphone ko! K608i ang unit ng phone ko! Sony Ericson! Ayun dahil alam nya na may cp ako wala akong choice na itago ito at hinde ibigay sa kanya. Nakaramdam ako ng panghihina nung nakita ko yung balisong sa kamay nya! Dagdag ang hinde ko alam kung meron mang nakatusok sa likod ko! Ayun kinapaan ako both bulsa! Buti nalang dalawa wallet ko, ang coin purse ko na ang laman lang e barya baryang pera at yung isa kung nasaan ang mga pera ko! Nasa bag ko yung maraming pera kaya yung coin purse lang ang napagtripan. Nung hinihingi nya na yung cp ko binigay ko naman agad na parang nagpahiram lang ako kung kanino man! Promise! Hinde ako nakaramdam ng takot, pero kaba oo! Ayun humihirit pa si manong na ibigay ko Ipod ko. E wala naman akong Ipod kaya sabi ko wala akong ipod. Ayaw pang maniwala kaya pinilit ako, sinigawan ko naman na wala nga akong ipod. Ayun naniwala na! Yung coin purse ko naman ang pinuntirya. Hiningi nya yung laman pero bago ko ibigay nag-request muna ako na kunin ko yung resibo dahil hinde ko makukuha yung uniform ko! Ayun mabait naman sya kaya pumayag sya! Pagkatapos kong kunin, tinignan nya wallet ko, dapat kukunin ko pa yung keychain ng wallet ko dahil may mga sentimental value yun! Hinde ako nanghihinayang sa pera kundi sa keychain. Siguro nainip o nakaramdam ng pagkahabag sa akin dahil hinde karami ang pera ko dun kaya hinde nya kinuha! Ayun bumaba na sya! Pagtapos kami naman ni mamang driver ang nag-usap. Tinanong nya kung ano nakuha sa akin na parang hinde nya nakita kung ano ang nangyayari sa akin kanina. Hinde man lang pumalag pero naiintindihan ko yun dahil pag pumalag sya patay ako! Ayun pero naghihinala ako sa kanya. Bakit hinde oa ang reaksyon nya? Kaya naisip ko na baka kasabwat sya! Pero naisip ko rin na sanay na sya sa ganung eksena kaya hinde ganun ka-oa ang reaksyon nya! Ayun!

Bago umuwi tumambay muna ako sa org. Habang nakaupo ako dun ko naramdaman ang trauma dahil alam kong dadaanan nanaman ako sa lugar na yun! At isa pa dahil sa tinde ng trauma ko kung ano ano ang naiisip ko, example tulad kanina habang nakasakay ako sa fx, yung driver sa iba dumaan kaya naisip ko na baka may holdapan nanamang mangyari kaya naghanda na ako ng speech. Sasabihin ko sana. "Manong mahabag ka naman po sa akin, kaka hold up ko lang! Pass muna ako!" Yun!

Lesson: Wag umupo sa harap ng walang katabi. At wag sumakay ng jeep na kokonti ang pasahero.
Lesson ko: Hinde na ako uupo sa harapan ng jeep!

Wednesday, July 4, 2007

Ang Pagbabalik kasama ang bagong kwento!

Hi mga fans (kunyari meron nalang!) Ayan nagbabalik ako! Dahil na rin sa pagpilit ng mga tao sa paligid kung meron man o baka guni guni ko lang yun! ibahin ang salita dahil na rin sa pagpilit ko sa sarili ko na mag-share ulit ng mga kapalpakan ko sa eskwela! At kung ano ano pang kababalaghang nangyayari sa buhay ko! Okay dahil nagbalik ako syempre dapat may bitbit akong kwento. Eto na!

OHP. In short Over-Head Projector! Short talaga! Ayan nung monday inutusan kami ng aming prof na mag-pa reserve ng OHP sa dean's office sa CLASSed. Dalawa kaming inutusan dahil kaawa awa daw ako dahil sa height at hugis ng aking pangangatawan kaya dalawa kaming inutusan! Syempre dahil sa responsable kami nakalimutan naming mag-pa reserve! Ayun kanina ko lang naalala nung ewan ko kung ano ang nagpaalala sa akin! Kaya nagmadali ako na pumunta dun sa hiraman. Kung saan saan na ako napadpad pero hinde ko pa rin ito nakita salamat nalang sa isang prof at itinuro nya sa akin! Thanx maam! Ayun kinausap ko yung babae at kahit anong kumbinsi ko na pepedeng manghiram e hinde ko nagawa at yun nakaramdam ako ng pangangamba! Hanggang sa nakasalubong ko ang pakners ko! Parehas kaming responsableng estudyante sa ginawa namin! Ahahahaha! Ayun dahil maraming B.I sa paligid gusto nila akong mag-sinungaling pero dahil malinis ang puso at konsyensya ko hinde ko sila sinunod kaya sinalubong ko nalang ang prof ko at sinabi ang buong istorya! Ayun ok na!

Pagpasok ni maam, tinignan ako ni maam at ako nalang daw ang gagawin nyang OHP (nice movable OHP!) Ayun pinatayo ako sa gitna at binigay ang white board pen sa akin para isulat ang pinagsasabi nya! Syempre dahil responsable ako kailangan kong sumunod. Buti nalang at konti lang ang isusulat kaya hinde ako gaanong nahirapan. Tapos nun nagkaroon ng activity!

Comp200 ang subject ko! After ng lunch! May assignment. Marami ata yun! Ayun gumawa kami ng assignment sa Library kasama ang kaibigan ko. Tama may kaibigan na ako! Matagal na! Ayun. Dahil nakakaantok ang subject na yun. Ayun inaantok ang mga classmate ko buti nalang nagsusulat ako kaya nawawala ang pagkaantok ko! Kaya sa bandang huli ako ang nagwagi! Nagawa ko nanamang makapag recite voluntarily. Hindi ako mayabang konti lang! ahaahahaha!

Friday, June 22, 2007

Paalam muna!

OO! Paalam muna! Tinatamad na akong magsulat at magkwento at umikot sa kung kani kaninong blog! Bihira na rin akong mapadpad sa site na to halatang wala akong oras!

Kung nabasa nyo yung post ko bago to dun nyo malalaman na kaonti nalang talaga ang oras ko para mag-internet. Isa pa pala nawalan din ako ng time na manuod ng shippuuden, bleach at deathnote! Sabihin nating may 3 araw akong walang pasok pero sa 3 araw na yun wala akong time para magsulat dahil wala akong makwento!

Ayun! Kaya paalam muna!

Monday, June 18, 2007

Bagong Araw sa Kolehiyo

Sa wakas makalipas ang mahigit isang taon, eto nanaman ako at nakapag suot nanaman ng uniform! Nung una medyo ilang ako, dahil hinde ko pa sinusubukang suutin yun! At yun dumating ang takdang oras para isuot ko na siya! Unti unti ko siyang sinusuot na parang nananabik sa isa't isa. Ayun nasuot ko na nga siya parang wala lang.

Umalis ako ng bahay ng mga 5:30 ng umaga kasabay ang aking kaibigan. Pagsakay ko sa jeep nun ko lang naalala na marami pala akong nakalimutan sa sobrang tuwa ko sa sarili ko! Nakalimutan ko ang 1x1 Picture ko, Ballpen ko, Index ko sa Math na akala ko naiwan ko kaya napilitan akong gumawa sa jeep habang paliko-liko ang andar, bond paper, lapis at yellow pad.

Pagdating ko ng Letran kala ko walang pasok kasi walang estudyante na pumapasok ewan ko kung ganun lang talaga dun. Pag pasok ko ng Letran dun ko lang napansin na pede papalang di mag-uniform. Badtrip. Pero ayos lang kasi unti unti naman akong nagiging komportable sa suot ko. Bago ako pumasok ng classroom pumunta muna ako ng Bookstore para bumili ng bond paper, lapis at 2 libro ko.

Math ang 1st subject ko. Actually may quiz ako nun hinde ako nag-review nung gabi kasi tinatamad ako at wala akong maisip na Math Problem para pag-praktisan ko kaya umasa nanaman ako sa stock knowledge ko. Ayun oras na ng pagsusulit, nung nakita ko yung papel parang lahat ng pinag-aralan ko nung nasa Mapua ako e bigla kong naalala. Kaya dali dali kong sinagutan, hinde naman sa pamamayabang, kung ikukumpara ko ang quiz sa Mapua dun sa Letran, masasabi kong wakwents ito. Hahahaha! Kaso di ko natapos kasi ang 1 hour na pagsusulit e umabot lang ng 45 minutes. Mukang di sineseryoso ng mga kaklase ko yung na-checkan kong papel 5 lang ang score.

Sunod naman ang Filipino subject kung saan ang salitang "FINE" e sikat. Pag pumapasok ako sa section na yun pakiramdam ko lagi kong naririnig ang salitang yun. Buti nalang medyo okay ang Prof kaya nawala sa isip ko ang bagay na yun. Isa pa nagkaroon ng sitting arrangement kaya may pagkakataon na akong magkaroon ng kaibigan. Hahaha.

Walang nangyari sa next subject ko, isa lang ang masasabi ko model type ang kakwentuhan kong babae! Hahahahaha!

After ng Lunch bumalik ako sa skul para sa susunod na klase, kaso walang prof kaya umuwi kami ng maaga.

Tumambay muna ako ng SM Manila para magliwaliw kaso mas lalo akong napagod. Hinintay ko nalang yung kaibigan ko para may kasabay ako pag-uwi

Nung nasa LRT kami ng kaibigan ko may katapat kaming mga Hapon, katuwaan namin pinagtitripan namin ng pabulong! Hahahaha! Kaso may estudyanteng nag-approach sa kanila at dun namin nalaman na marunong pala silang mag-Tagalog. Ayun usap usap sila. Hanggang sa nagkahingian ng number. Tsk. Ang bilis ng pangyayari.



Sunday, June 17, 2007

Managing My Time

Ngayon lang nangyari sa buhay ko to! Ang mamroblema sa oras! Dati nung nasa Mapua ako hinde ko naman talaga to nararanasan! Naranasan ko naman pero isang subject lang at yun ay ang DRAW101 at DRAW102. Pero this time iba e!


5:30 am - alis ko ng bahay

7:30 - 3:00 - pasok at uwian ko sa skul

5:++ - dating ko ng bahay

5:30 - nuod ng t.v

6:00 - iidlip hanggang hintayin ang kainan

ang mga sumusunod na oras e hinde ko na alam hatiin. Assume nalang naten na nasa kalahati na tayo ng semester. Expected ko na marami ng nakaabang na madaming gawain, lalo na at ako ay I.T, asahan mo na ang maagang pag-aral ng Programming. Hinde pa kasama ang pag aral para sa ibang subject at para sa sarili kong kaligayahan. Baka isipin nyo masyado akong o.a mag-isip, mali po kayo dyan. Iniisip ko lang ang maaring mangyari. Kaya hangga't maaga minamage ko na to pero hirap talaga ako. Mahirap mag-isip. Minsan iniisip ko na mag-dorm kaso mahirap, kasi mahirap dalhin ang buong computer sa dorm at isama mo pa ang hinde masyadong pagtitiwala sa mga kasama mo. Tsk. Hirap na ako. Tulungan nyo nalang ako!

Thursday, June 14, 2007

Second Day : Loner

Eto ang second day ng pasok ko. As usual hindi pa rin ako naka-uniform. Dahil ayoko pa. Medyo napaaga ang pasok ko dahil sa kasabay ko. Kaya ayun nakatambay ako dun ng 30 minuto.

Theo01 - Prof. Chinito
Nasa iba nanaman akong section. This time sa likod ako naupo syempre malapit pa rin ako sa pintuan. Ayun muka nanaman akong kaawa awa! Hahahahaha! Kakaiba ang itsura nh mga kaklase ko! Wahahahaha! Dumating na si Prof. Ayun nga chinito at okay naman. Mabait at hinde boring para sa Theology. Ayun pinakilala nya sarili nya at ganun din kami. Ayoko talaga ng pakilala pakilala. Nakakakaba. Cool pala si Prof. Marunong makisama sa amin.

ENG100 - Prof. Time is Gold
Ayun. Same section parin ako. Sa harap naman ako umupo. Ang prof ko ay isang matandang dalaga pero hinde naman halata para sa edad nya. Ayun pinakilala nya rin ang kanyang sarili. Tapos kami nanaman. Tsk! Nakakasawa na ang paulit ulit na sinasabi. Ako ang unang nagpakilala. Pangalan. Course. Hobbies at kung ano ano pa. Pagkatapos magpakilala ng lahat nagbigay ng activity si maam. Tungkol sa subject na English. Group Activity yun. At dahil dun kahit papano e nagkaroon na ako ng maitatawag na classmate na maaring maasahan.

Comp103 - Prof. True Blooded Mapuan
Nalate ako ng konti. Pagpasok ko sa room andun na yung prof. Ayun yung section na yun ay ang section kung saan ako napahiya. Sa harap ako ulit umupo dahil walang umuupo e. Ayun pinaliwanag ni sir ang sakop ng aming tatalakayin para sa mga susunod na pagkikita. Nagtatanong siya at ako lang ang nakakasagot *mayabang*. Siguro para sa mga baguhan na katulad nila alien language ang ginagamit ni sir. Dahil mahirap nga naman intindihin kung wala kang background sa Comp. Ayun 90% ng tanong ni sir ako lang ang sumasagot. Hahahaha! *mayabang ulit*. Sinabi ko na sa sarili ko na irerevenge ko ang "FINE" sa mga kaklase ko at idadaan ko yun sa pakitang gilas! Wahahahaha! Ayun nga at dinaan ko! Wuhu! Napapanganga mga kaklase ko sa akin! Mukang sa mga COMP subject malaki ang lamang ko sa kanila!

Lunch
Ayun. Maaga kami pinalabas. Sa labas ako kumain dahil hinde ko feel sa canteen. At pakiramdam ko may freedom ako pag nasa labas ako ng skul. At dahil namiss ko ang walls dun ako kumain. Dun sa may tapat ng Mapua. Pagkatapos kong kumain pumunta ako ng Mcdo para bumili ng Coke Float. Tapos dumaan ako ng Mapua at nakita si Lenard (note: the real lenard hinde yung clone nya!). Yun kamustahan. Tapos tumambay ako ng 5 minutes sa tapat ng Mapua. Balik skul. Naghintay nanaman ako ng 1 oras para sa susunod na subject

Philo101 - Prof. Authistic
Same section pa rin. Pagpasok ko sa room narinig ko ang salitang "FINE". Nabadtrip ako nun. Kaya talaga pinangako ko sa sarili ko na tatalunin ko sila! Lalaki prof ko. Mukang adik. Parang hinde halata ng Philo talaga ang tinuturo nya! Ako lang ang mag-isa sa unang row. DISCRIMINATION!!! Pero ayos lang. Ayun nagpakilala ulit. Tapos konting lecture. Eto nanaman, ako nanaman ang tinanong ayun. Sagot naman ako at nasabihan naman ako ng Very Good. Ahahahaha! Pakitang gilas nanaman! At eto pa pinahiya ko ng prof ko. Bago ako tanungin sabi ba naman sa akin

Prof: Sigurado ka bang dito ka? Dun kasi ang High School Department e.
Klase: Tawanan
Ako: Opo, nginitian ko nalang siya.
Prof: Tuli ka na ba?
Klase: Tawa ulit.
Ako: Ngiti ulit

Ayun. AKo pala-sagot naman.

Wednesday, June 13, 2007

First Day : Loner

Eto ang araw ng aking first day sa Letran. Past 7 na ako nakarating sa skul. Naka civilian muna ako ngayon kunwari wala pa akong uniform dahil tinatamad pa talaga akong mag-uniform. Ayun pumila muna bago pumasok sa campus kasi gina-guide ng guard yung mga new student sa kanilang room. Ayun nakarating naman ako ng matiwasay sa room

Math102 - Prof. Denial Stage (Code Name)
Eto ang 1st subject ko ngayong araw. Pumwesto ako sa harap malapit sa pintuan. Sa room na yun ako lang ang I.T dahil ako ay isang Irreg. Ang mga kaklase ko mga Business Management ang course. Alien ako sa room. Akala ko nung una ako lang ang irreg yun pala hinde meron din pala. Kaya ayun nabunutan ako ng tinik. Dumating na si Prof. Lalaki ang prof ko. Medyo ok naman sya kaso naghihinala ako sa kanyang kasarian! Wahahahaha! Ayun pinaliwanag nya ang kanyang mga policies at kung ano ano pa. Sa tingin ko naman e maayos at hinde terror. Kaso natatawa ako sa pagsasalita nya sa kasi Ilocano siya.

Fili1 - Prof. Walang Tuldok
Medyo maaga akong na-dismiss sa unang subject ko kaya kina-ilangan kong maghintay ng matagal sa tapat ng room ko. Bago pumasok sa room may kumakaway sa akin. Nagtataka ako kung bakit nya ko kinakawayan e hinde ko naman siya kilala. Pero nung lumapit sya at kinausap nya ako tsaka ko nalang naalala na sya pala yung kausap ko nung Orientation. Wahahahaha! Pumasok na ako sa room. Dun ulit ako pumwesto sa harap. Parang block section ko na ring maituturing ito, dahil apat sa subject ko eh dito ang section ko. Ayun dumating na si Mam! Medyo may edad na siya pero ok naman mapagbiro din. Hinde rin sya mukang terror kaso dito ata ako mapapagastos dahil sa mga activity work na papagawin sa amin. Pero mukang ok naman, kakayanin. Ito kasi yung gusto kong maranasan.

Comp101 - Prof. Newly Hired
Ito ang subject ko bago ang vacant ko. Medyo madami dami kami dito. Puro lalake at 4 na babae? Dito sa subject na to sa tingin ko ako duduguin sa dami ng terms at kung ano ano pa na dapat kabisaduhin. Tsk. Pero parang ok prof ko e, tini-train na talaga kami as Professional I.T. Astig!

Lunch
Mga quarter to 12 kami pinalabas, kaya maaga din akong nag-lunch. Dahil maaga akong nag-lunch yun naman ang tagal ko para maghintay sa susunod kong subject! Tsk! Ayos! 1 1/2 oras ang hihintayin ko! Kumain ako mag-isa. Loner! AMpf!

Comp200 - Prof. Smiling Face
Medyo kumportable ako sa subject na to, hinde ko alam kung bakit. Sa harap ulit ako naka-pwesto! Ayun nagpakilala siya, kwento kwento tungkol sa buhay nya. Tapos explain ng policy nya at grading system. Pagkatapos nun nagkaroon ng activity. Magpapakilala ka sa mga kaklase mo. Pang 14 ako. Eto na ako na.
Prof: Mr. Nobleza, explain yourself
Ako: I'm Cyrile Nobleza. 17 years old. I am a transferee from Mapua Institute of Technology
Prof: Oh?! Ano ang course mo dun?
Ako: Electrical Engineer po!
Prof: ah ok

Prof: What is your age? (pabulong)
Ako: Fine
Prof: What is your age?
Ako: Fine
Prof: What is your age again?
Ako: (confident) FINE MAAM!

Tsk! Napansin ko nalang na nagkamali ako ng rinig ng tumawa ang buong klase! Ampf! First Day Sabaw sabaw agad ako! Tsk! Tumawa nalang din ako para hinde halatang napahiya! Wahahaha! Ayun buti naman at natapos na. Ayun kwento ulit sya. Muntik pa ngang magbigay ng assignment. Ilang minuto ang nakalipas nagtanong sya kung sino ang may alam sa DBMS, kuminang mata ko! Kaso pinakikiramdaman ko muna mg classmate ko kung alam nila yun, dapat magtataas ako ng kamay kaso nahihiya ako. Kahit yung classmate kong graduate ng ComSci sa UST e hinde alam yun. Tsk! May ADVANTAGE AGAD AKO! Hahahahaha! Ayun ilang minuto nalang at uwian na. Talagang di papaawat si mam, nagbigay talaga ng assignment. Sesend nya nalang daw sa email namin.

Isa lang ang natutunan ko sa araw na to. Maging attentive. Kelangan ng magsunog ng kilay. Kelangan ng magpakapuyat. Kelangan ng MAG-ARAL ng dibdiban!

Friday, June 8, 2007

Binyag Arriba!

Day 1
June 7 ang unang araw ng aking kapwa freshman sa Letran. Ibibilang ko pa rin ang sarili ko bilang freshman kasi 1st year ulit ako e. Hahahah! 7:30 ang start kaya 4:20 palang gising na ako. Hinde ako makatulog hindi dahil sa excited ako kundi mainit at inaatake nanaman ako ng aking insomnia! Cool! Ayun kaya pagkagising ko muka akong bangag at hilo! Pero napawi naman yun ng buhusan ko ng malamig na tubig ang aking katawan. Mga 5 ako umalis ng bahay kasi kakain pa ako sa kanto ng silog! Tinatamad kasi akong magluto!

Dumating ako ng Letran ng alas-7 ng umaga! Wow! Gagawaran nanaman ako neto ng Most Punctual Award! Pagpasok ko ng Intramuros marami rami na ring excited na mga estudyante! Ako binalewala ko sila kasi naiinggit ako! Loner ako! Nakakaawa ako! Pero salamat sa mentos dahil tinulungan nya akong magmukang hinde kaawa awa. Bago ako makarating ng Gym may nakita akong pila. Nakipila na rin ako kahit hinde ko alam kung para saan ang pila na yun! Nang nakaramdam ng awa ang guard pinapasok na nila kami! Naghintay ulit kami ng ilang minuto.

Makalipas ang ilang minuto pinapasok na kami sa mismong GYM ng Letran. Hinati ang CBAA (College of Business Admistration and Accountancy) at CLAS (College of Liberal Arts and Science) kung saan ako kabilang. Salamat nalang at loner ako at kahit papano e nakakasingit ako! Hahahaha! Hinde naman sila pumapalag at dapat lang yun! Pagpasok ko naghanap agad ako ng upuan.

Mga 8 ng umaga nagkaroon muna ng Mass. Nakakaantok talaga mag-mass! After ng mass nagsimula na ang program. Pinakilala muna ang mga Professors sa bawat subjects. Lahat ng sinabi nila hinde pumapasok sa utak ko dahil inaantok talaga ako salamat nalang sa cute na babaeng katabi ko at kahit papano e napapawi ang aking antok. After ng pagpapakilala may pinanuod samin hinde ko rin masyadong natutukan dahil inaantok ako. Nag-show din yung mga Cheerleaders ng Letran at tinuro din nila yung cheer namin for the upcoming NCAA.

Mga 10 hinati ulit yung dalawang College para pumunta sa magkaibang building. Orientation part two kasama ang mga ka-course mo at ka department pati na rin ang mga makakasama mo pagdating na sa Majoring ng aming mga Course. HIndi ulit pumapasok sa utak ko ang mga sinasabi nila kasi gutom na ako nun!

Lunch na bago ako kumain kinuha ko muna yung uniform ko tsaka ako kumain. 2 stories ang canteen yung isa hinde aircon at yung isa aircon. Dun ako sa aircon kasi konti ang tao. Kung nakikita nyo ako dun maaawa kayo sa akin dahil mag-isa lang talaga ako! Huhuhuhu!

Pinababalik kami sa room ng mga 1:30, mga 1 nandun na ako. Ayun nakakaantok pa rin. Mga 3 natapos bago umuwi dumaan muna ako sa Mapua.

Day 2
Pangalawang araw ng Orientation. Ito yung araw kung saan may initiation para sa pagiging tru-blooded letranites ng mga freshman. Loner pa rin ako nun. Wala ng Mass na nangyari. Puro special number nalang ang pinapanuod namin. Then ayun na ang pinakakaantay ng iba ang uwian! Joke lang! Ang initiation. Pinalabas lahat then hinati ulit, tapos namigay ng rosary. Anong gagawin ko sa rosary e hinde naman ako katoliko. Wala lang. Tapos yun na! Tapos na! Pumunta ulit ako ng Mapua kaso wala akong nakitang kaibigan kaya umuwi nalang ako then kumain sa SM.

Wednesday, June 6, 2007

Tagged? (ampf!)

MGA BATAS:

1.) Write about how much addicted you are towards something.
2.) Don’t forget to include the percentage of “addictedness” towards that thing.
3.) All with one condition. The total percentage must reach 100%.
4.) You MUST tag others and continue tagging but please don’t forget to explain the rules and notify that person so that they know they had been tagged.

-I> Internet (45%)
oo! malaki syang bahagi ng aking pagiging adik! magmula ng umusbong ang internet sa aming bahay, eto na ang nagsilbing opisina ko sa araw araw na pamumuhay ko! Maraming bagay akong na-eexplore isa na dun ang mga bagay na nagbubukas ng napaka konserbatibo kong pag-iisip. Ito ay ang Pag-ba-blog! (dumi ng isip mo!). Uhm? Lahat na ata ng pede kong gawin e nagagawa ko na! Kumikita pa ako! Wahahahaha!

-I> Mga Samo't Saring Kanta / Tugtog (20%)
Nakasama siya dahil adik ako sa musika! Pero hinde ako marunong ng kahit anong intrumento maliban sa triangle na panigarudo lahat alam gamitin ito! Malaki ang ligayang naiidudulot nito sa pang-araw araw na buhay ko, lalo na sa tuwing pumapasok ako! Dahil ayun lang ang nagbibigay kaligayahan sa akin sa tuwing ako ay pumapasok/umuuwin ng skul/bahay! Masarap iyugyug ang ulo sabay sa tugtog ng musikang iyong pinapakinggan habang ang ibang tao ay pinagtatawanan ka dahil sa muka ka ng adik!

-I> Anime (15%)
Mahilig ako talaga sa anime! Simula ng nauso ang Blink, Akazukin Cha cha, Dragon Ball at kung ano ano pa! Lumala lang siya nung 1st year high school dahil sa pag welcome nya sa akin sa mundo nya! Ang anime, kaya muka syang anime! Mukang drinawing lang itsura e! Juk lang! Ayun hanggang sa lumala at heto ako adik pa rin sa anime! Pinagtyatyagaang panuorin ang latest episode ng Bleach, Death Note, at Naruto Shippuuden sa YouTube para lang masubaybayan!

-I> Libro (10%)
Oo! Mahilig akong magbasa ng mga librong may piktyur! Joke lang! Isa na sa mga hobby ko ang pagbabasa ng mga libro na sa una lang binabasa pagdating sa kalagitnaan ending na agad ang gustong basahin dahil sa sobrang excitement! Joke lang ulet! Eto totoo na! Alam naman naten na isa sa pinaka-boring gawin e ang pagbabasa. Yung mukang anime din yung nag-impluwensya sa akin na matutong magbasa! Harry Potter and the Prisoner of Azkaban ang unang libron kong natapos! Oha! San ka nakakita ng reader na yung 3rd book agad ang binasa kesa sa unang libro! At ayun ngayon naghahanap ako ng mababasa, kahit Math Book pinapatos ko minsan! Hahahaha!

-I> Tong-its (5%)
Netong bakasyon lang ako natutong mag-tong its! Kasalanan to nung 2 kong kaibigan! Na-out of place ako sa kanila dahil silang dalawa e natutuwang maglaro habang ako gumagawa ng sarili kong kaligayahan! Buti nalang nasa bahay ang aking pinsan kung saan dalubhasa sa sugal at ayun nagpaturo ako! Mabilis naman akong natuto at simula nun nahilig na akong maglaro. Wala nga lang kasamang pera sa laro dahil pulubi ako!

-I> Mag-Piktyur (2%)
Uhm? May balak talaga akong maging photographer dati pa! Ayun kaya ako nag-fefeeling gamit ang aking cellphone! Lahat ng nakakaasiwa, nakakatawa at kung ano ano pa pinipiktyuran ko para sa aken, ginagawa ko yun dahil gusto ko may remembrance ako sa mga bagay na aking natutuklasan o napupuntahan.

-I> Sudoku (1.5%)
Yep! Sudoku! Napamahal na sa akin ang paglalaro ng sudoku! Natutunan ko to sa isang kaibigan na aking nakakasabay tuwing sumasakay ako ng LRT papasok! Nung una hirap talaga akong intindihin ang mechanics ng laro pero makalipas ang 10 taon, ayun natututunan ko na siya! Masaya ako tuwing may "Xpress" na dyaryo sa LRT dahil alam ko na iyon lang ang magtatanggal ng boredom ko sa loob ng pananatili ko ng panandalian sa LRT

-I> Langgam (1.5%)
Hahahahaha! Bata pa lang tuwang tuwa na akong paglaruan ang mga langgam! Sila ang sumasalo ng kapraningan ko kaya kung ano ano ang ginagawa ko sa kanila! Naalala ko pa dati, may laruan akong parang lagayan ng lupa na babasagin, ayun nilagyan ko ng lupa at nilagyan ko ng sari saring breed ng langgam, tapos para hinde naman sila magutom hinahandugan ko sila ng gagamba! At gusto kong iparanas ang snow na hinde ko naman nararanasan e gumawa ako ng paraan para magkaroon ng snow sa lugar nila, eto binuhusan ko ng pulbos! Pagkatapos pinagalitan ako ng nanay ko! Isa pa para kumpleto kelangan may delubyo! Pinaranas ko sa kanila ang magkaroon ng baha! Ayun walang naka-survive lahat sila patay!

Yey! Tapos na! Una to!

Thursday, May 31, 2007

Grade 4 - Jerusalem

Makalipas ang 7-8 taong paghahanap ko sa mga kaklase ko nung grade 4 ,eto unti unti ko na silang nahahagilap sa laki ng mundo este pilipinas lang pala! Ngayon lang ako nagkaroon ng kasipagan para isulat ito! Isasalaysay ko na ang madamdamin naming pagkikita at paghagilap ko sa kanila!

February 16, 2007. Alas 12 - Ala 1 ng tanghali ata yun! Nakasakay ako sa jeep. Pauwi na ako nun. Nakatuon ang atensyon ko sa mausok na paligid ng Santolan (gawain ko) para antukin! Pero dahil mapapa-yugyog ang ulo mo sa sobrang lakas ng soundtrip ni manong hinde ko nagawang matulog! Patuloy ang pagyugyog ng ulo ko hanggang mapunta ang atensyon ko sa isang pasahero. Ilang beses ko siyang inulit ulit na tignan na parang stalker. Tsinatsambahan ko na mag-tama ang aming paningin pero medyo hinde gumagana ang charm ko at pagpaparamdam sa kanya. Pero nakaramdam ata ng awa ayun tumingin na sa akin! Yihee! Pagtama ng aming mga mata, bakas sa mukha nya na namumukaan nya ako. Ako? nagpapanggap lang ako na namumukaan ko rin siya dahil lagi ko naman siyang nakikita sa tuwing dumadaan ang jeep sa tapat ng bahay nila. Makalipas ang 7 taon! Nagkita ulit kami ng malapitan! Ayun nag-hi sa isa't isa tapos tinulugan ko na siya! Napaka-approachable ko talaga!

Kinausap ko nalang siya ulit nung onti nalang ang tao sa jeep. Nahihiya kasi ako (ulul). Ayun dun na ako nag-kwento ng talambuhay ko makalipas ang 7 taon, at syempre dapat ganun din siya! Ayun dahil sa kanya nahagilap ko din ang iba sa mga kaklase ko na pilit kong hinahanap dati! Sabi ko naman i-broadcast nya na buhay pa pala ako! Ayun hiningi ko friendster nya!

Pag-uwi ko sa bahay, agad akong nag-internet Para i-add tsaka i-add na rin yung iba! At yun! Konektado na ulit ako sa kanya!

Isang araw. Minessage ako ng aking best friend nung grade 4. Hinihingi ang aking y.m! Binigay ko naman! Mabait ako e! Ayun good timing at naka-online din siya! Nag-kwentuhan ulit ng aming mga nakaraan! Tapos hiningi ang ibang y.m at cellphone number nila. At yun masaya na ulit ako!
(click nyo nalang, para mas makita nyo ng malaki!) Pagpasensyahan nyo na! Hanapin nyo nalang ako! Basta ayan ang class picture namin dati!

Ikekwento ko naman ang kasamaan at karanasan ko nung Grade 4.
1. Nanusok ako ng lapis malapit sa mata ng 2 beses (magkaibang araw) sa iisang tao
2. Hindi ako nagpasa ng project na parol sa H.E.L.E ko noon, kaya kahit bakasyon pinasabit ako ng teacher ko ng parol sa skul!
3. May exam ako sa H.E.L.E. nun, nauna akong matapos nun, kaya inasar ko ang kaklase ko dahil wala akong magawa at yun umiyak siya at pina-squat ako ng teacher ko sa harap para makakuha lang ng part 2 ng exam.
4. Hinde ako nakasama sa play sa skul dahil sa nalate ako ng dating
5. Hinde rin ako naka-atteng ng christmas party dahil inuna ko pa ang paglalaro ng video games sa kapitbahay namin bago magpalit ng damit
6. Araw-araw akong bumibili ng ballpen sa bookstore at lagi din ako pinapagalitan dahil lagi akong bumibili
7. Nakikipag-unahan ako sa swing
8. Umiyak ako sa skul dahil iniwan ako ng service ko at wala akong pera nun para makaauwi. Kina-ilangan ko pang mangutang nun
9. Gumawa kami dati ng sirang gripo
10. Miyembro ako ng Boy Scout
11. Nagkaroon ng activity kung saan matutulog kami sa skul kasama tatay. Wala tatay ko nun kaya nagpapaka - self pity ako nun.
12. Naging dahilan ako para magtagal sa trecking namin nun sa Boy Scout dahil lang sa lalagyan ko ng tubig.
13. Tinutulugan ko ang ka-service ko para hinde ako makalipat sa likod ng tricycle.
14. Binigyan ako ng crush ko ng candy para kumalma dahil sa ginawa kong kalokohan
15. Sinasapawan ko ang mga ka-group ko tuwing grupo namin ang nag-peperform tuwing umaga!

Mabait pa ako nun! hahahahaha!

Thursday, May 24, 2007

Akyat BundoK!

Makalipas ang isang taon! Eto natupad na ang pangarap kong makapunta sa Angono Cave! Napilit ko rin yung 2! Kasama si Jep at Arrjay!

(Oras: 4:30 ng umaga / Lugar: Angono)
4:30 ang usapan namin! Kaya napilitan akong gumising ng alas 4! Karaniwan na sa akin ngayon ang naliligo bago mag-jogging pero ngayon nakaramdam ako ng katamaran kaya hindi ako naligo! Hindi na rin ako naghilamos! Joke lang! Toothbrush at hilamos nalang ang ginawa ko sa sarili ko! Napaaga ang kilos ko! Mga 4:25 natapos na ako! Hinintay ko nalang si Jep na pumunta dito sa bahay, hinintay ko siya sa gate namin! Ayun dumating na! Nilakad namin mula bahay hanggang labasan kung saan namin kikitain si Arrjay! Ayun mga quarter to 5 nandun na kami! Wala kaming nakitang marka ng isang halimaw! Tsk! Mukang mag-aantay kami!

Pina-txt ko si Jep para sabihin kay Arrjay na andun na kami! Nagreply, ang sabi "wee, di nga?!" Epal mukang wala pang tiwala! Abnormal talaga yun! Nakaramdam ako ng gutom kaya bumili ako ng 5 pisong pandesal! Syempre sinolo ko lang yun kasi mapag-bigay ako! (niyaya ko naman si Jep pero labag sa kalooban ko! Nyahahahaha! Joke!). Ayun nakatunganga kami dun hanggang mapuno ang mga nakaparadang tricycle kung saan kami nakatambay. Nang hindi na ako nakatiis, napilitan akong gamitin ang piso sa 3 pisong load na na-aagnas na sa cellphone ko! Nang-hihinayang ako sa pisong load pero para sa kapakanan din yun na maisakatuparan ko ang aking pangarap! Badtrip! Pagkatxt ko, naaninag ko agad siya, sayang ang piso!

Ayan sinimulan nanaming lakarin ang napakahabang daan patungo sa patutunguhan! Sabagay sanay naman kaming maglakad alang-alang sa pagtitipid!

(stolen shot! nung nakita nila to, sinigawan ako, hinde ko alam kung baket!!!)
Sa wakas nakarating na kami sa kuko ng bundok! Simula na ang isang nakakapagod na akyatan! Unlike sa grotto! Mas mahirap talaga akyatin ang Angono Cave. 1. Patirik at 2. May mga kotseng nakikipag-karerahan pataas!

Tsk. Salamat sa Jogging at medyo nakakayanan ko ang pag-akyat!

Nakarating din kami sa gate, kung saan may NPA (joke!) mga sundalo ata sila o nagpapanggap lang! Di tulad nung isang taon, hindi kami nakapasok dahil 1. ang porma namin naka-maong 2. ang dalawang babae kong kaibigan ay may dalang payong at yung isa naman e naka-bakya! San ka pa! Ayos sa porma! Pero ngayon nakapasok na kami, dahil marunong na kaming pumorma! At salamat kay Jep binati nya ung NPA, ang aking/aming spokesperson! Tsk nadadaan naman pala yun sa bati! Isa pa, sabi pala ni mamang NPA hanggang duhat tree lang kami!

Ayun konting lakad papuntang Blanco Tree! Narating din namin na mata lang ang kayang tumanaw dati! Hindi muna namin pinuntahan yun dahil ang puntirya namin e ang angono cave! Nung dineretso namin, wala kaming nakita kundi isang malawak na lugar! Kaya balik kami! Ayun nagpahinga kami sa may Blanco Tree. Picture Picture!

(view) (blanco tree) (view)
Nung bumalik ang energy namin sinimulan na naming hagilapin yung kweba. Nagtanong kami kung saan yung pool, bakit hindi kweba yung tinanong namin? Ewan ko ba kay Jep! Ayun binigyan kami ni Manong ng daan. Syempre sinunod namin sya. Nang nakalayo kami sa kanya, inisipan namin si Manong ng masama, na baka siya ay isang Aswang at trina-trap kami para kainin! Nyahahahahaha! Pero muka namang hindi kasi hindi nya kami sinundan ngunit yung binigay nya namang daan e mukang hindi mapag-kakatiwalaan, dahil sa pangit at nakakatakot ang lugar! Pero dahil adventurous kami tinuloy nalang namin! (kahit may doubt ako!). Ayun sinalubong kami ng mga kambing! Hahahahaha! Napaka-isolated ng mga bahay dun sa subdivision, at binansagan namin na ang lugar ay "Land of The Living Dead", kuhang kuha nya ang scene! Hahahahaha! Pero hindi naman pala nakakatakot ang mga tao dahil approachable naman sila, at sila din ang tumutulong sa mga taong naliligaw tulad ng nangyari sa amin! Hahahahaha!

Sa wakas nakalabas naman kami ng buo! Pero hindi pa natatapos ang pag-atake ng kawirdohan ng aming pag-iisip tungkol sa lugar! Hahahahahaha!

Mataas na ang araw kaya bumaba na kami! Kung kelan naman pababa saka sila nag-jogging! Hahahahaha! Baligtad! Pero hindi rin sila nakatagal, dahil ang gravity e masyadong mabigat kaya mahirap mag-break kung gusto mo ng mag-break! Science 101! hahahaha!(Mga adik! Kung kelan pababa tsaka nag-Jogging!)

Tuesday, May 22, 2007

3 uri ng tao na nakasalamuha ko kahapon!

Sa totoo lang, sa multiply ko unang nilagay ang post na ito! Pero bigla ko naisip na ilagay na rin dito. Bakit? ewan! gusto ko lang! Kahapon lang nangyari to!

1. Lalaking Epal
Naglalakad ako, nahuli ako sa paglalakad kila Mama kasi may tinitignan ako na pumukaw ng aking atensyon! Ayun syempre dahil nag-ka interest ako dun sa tinitignan ko, hindi ako tumitingin sa nilalakad ko! Ayun nabungo ko si Manong! Tsk! Badtrip! Nagulat ako! Tinitigan ko ngayon si Manong ng masama at ginantihan nya din ako ng masamang titig! Syempre hindi ako papatalo kahit higante pa siya! Ayun umalis sabay bulong! Ewan hindi ko na inintindi kung ano man yung bulong na yun! Pagkatapos nun, pinagtawanan nalang ako ng pinsan ko. Ewan ko kung ano ang nakakatawa sa ginawa ko!

2. Teen-ager na nagmama-angas!
Nauna ako matapos mag-merienda kaya ako ang inutusan ng aking ina na lagyan ng tubig yung bote ng tubig! Syempre dahil mabait ako sinunod ko siya! Ayun pumunta ako sa refilling station! 2 yung pila! Yung isa 3 ang nakapila kung nasaan malakas ang buga ng tubig, at dun naman sa kabila 1 lang, pero mahina ang buga ng tubig. Dun ako pumila sa mahina ang buga! Matagal si Ate! Ayun turn ko na! Hinugasan ko muna yung lalagyan, nang natapos ako nawalan na ng tao yung kabila kaya lumipat ako, hindi ko alam na nasingitan ko pala si boy! Ayun nagparinig ng "anu ba yan!", tinitigan ko naman ng masama ganun din siya sa akin! Ayan natapos na ako! Tinignan ko ulit yung bata, tsk! walang originality si boy! Ginaya ako! Pero palpak ang pag singit nya kasi matanda ang siningitan nya kaya hindi rin siya nakalipat at nag-tyaga sa mahina! Nyahahahahaha! Buti nga!

3. Babaeng Gahaman
Nag-fx kami pauwi! Dun ako sa gitna sumakay kasi sila Mama sa likod, sa bandang bintana ako naka-pwesto! Nung una medyo komportable pa ako sa pwesto ko! Nakatulog pa nga ako ng saglit eh! Sa kalagitnaan ng biyahe namin, gumawa na ng eksena si Ate. Tsk! Nilalayo nya ang likod ko sa sandalan! Syempre hindi ako pumalag sa kanya at diretso lang ang aking sandal dun! Gina ganun nya ako hanggang sa magbayad ako. Syempre pag nagbayad ka kelangan mong umalis sa pagkakasandal! Eto pagkakataon na ni Ate! Pagkatapos ko magbayad, tsk! Kinuha nya na ang puwesto ko! Pinipilit ko ang sarili ko na ibalik ang sarili sa dating pwesto pero ayaw akong bigyan ng pagkakataon ni ate! Sa tuwing nag-aattempt ako hindi ako pinapayagan ni Ate! Kaya napilitan na rin akong pagbigyan siya! Di nagtagal sinilip ko si Ate, ayun tulog na at tipong ayaw talaga ako pasandalin dahil nakahiga siya sa sandalan ko! Pinagbigyan ko nalang ulit siya! Pero nabigla nalang ako ng tumapat sa leeg ko ang straw ng softdrinks nya! Hindi ko maigalaw ang leeg ko! Tsk! Epal talaga! Natatawa nalang ako sa pangyayari!

Sunday, May 20, 2007

Mortal Sin

Tsk! Sa hindi malamang dahilan bigla ko nanamang naalala ang sagradong salita na patuloy na umiikot sa utak ko pag naaalala ko ang Periodic Table especially ang Potassium!

Location: Mapua Institute of Technology
Room: NW10c
Time: 7:30 am - 9:00 am
Subject: Chem101(take 2! wahahahaha!)
Section: Either of them A15, A1, A13
Prof: Mrs. Tess Madulid

Ayun Chem Subject ko nun, Periodic Law o Stoichiometry ang topic ata namin nun. Syempre dahil take Nerd Type ako nung mga panahon na yun! Kaya confident ako lagi sa mga sagot ko. Hindi ko na maalala kung ano ang mga pinaggagawa ko nung mga panahon na yun dahil anim na buwan na ang nakakalipas! Ayun dahil 6 anim kaming nagrepeat na magkaklase sa subject na yun (ka-block ko nung first term)pagalingan ang labanan! Hahahaha! Pero wala namang crab mentality na nangyayari kaya ok lang yun, hindi ko alam kung ako lang ang nakakaalam na may kompetisyon na nangyayari sa amin! Hahahahahaha!

Dahil joker at hindi boring ang prof namin lahat nagagawa namin, magtawanan sa harap nya, magbatukan, magsigawan, mang-asar, lahat lahat na!

Eto na ang kwento sa likod ng "mortal sin". Habang nag di-discuss ang prof namin about periodic table, nagtanong siya kung ano ang Chemical Symbol ng Potassium! At dahil nagmamagaling ako (joke lang, nang hahapit lang) sumigaw ako ng letter "P" eh nagsusulat pa ako ng mga panahong yun kaya wala siguro ako sa sarili ko at yun ang naisagot ko! Narinig ko na natatawa ang katabi ko, kaya napa tingin ako sa kanya at tinanong kung bakit siya natatawa. Yun nga mali ang sagot ko! Shet! Pag-tingin ko sa paligid ko (maliit lang ang room, kaya napaka lamig, kaya pag labas mo ng room sinisipon ka na! Koneksyon?!) Ayun hindi mo man makita na humahagalpak sila sa kakatawa e bakas naman sa mga nila ang ganung ekspresyon! Ampf! At yun napatingin naman ako sa Prof ko, at sinabihan ako "what a mortal sin, nobleza?! Sabay tawa, syempre nakitawa na rin yung iba pati na rin ako para di mapahiya! wahahahahaha!

Kaya paglabas ko namin ng room, ayun ang magaling kong kaibigan ang binabad nanaman ako sa pang-aasar, at hindi pa nakuntento kinalat pa sa mga ka-tropa namin, kaya ako nanaman ang paksa at bida ng asaran! Tsk! Anyway isa yun sa mga masasayang ala-ala ko sa Mapua!(K hindi P!)

Wednesday, May 16, 2007

Jogging

Last week palang niyayaya na ako ng aking best friend na si Arrjay na mag-jogging, kaso hindi ko talaga hobby yun eh! Kaya tumanggi ako! Nung monday naman niyaya ulit ako, eto hindi na ako tumanggi kaso hindi naman ako pinayagan ng aking mahal na ina dahil sa eleksyon. Kaya hindi natuloy! At yun kahapon niyaya ulit ako! Eto tuloy na! Wuhu! Dahil niyaya nya ako, niyaya ko pa yung isa naming best friend na si April, nung una ayaw ayaw pa, pero pumayag din naman! Wahahahahaha! Ayan natulog ako ng maaga! Pero inatake nanaman ako ng aking insomnia! Wuhu! 2 hours lang ang tulog ko!

nakikitang marka nung 2 tao! Natawa nalang ako, kasi ang aga ko nanaman! Antay ako ngayon, buti nalang tumawag si Arrjay, paalis pa lang daw sila, pati si April. Abnormal talaga yung 2! Antay antay ako ngayon! Ayun dumating din si Arrjay kasama si Denise (schoolmate ko nung high school.), binigyan ko nalang siya ng magandang ngiti (as usual!), syempre ngumiti din siya! Ayun si April naman ang hinantay namin! Medyo matagal din pero dumating naman. Kaya pasok na kami! Wala kaming alam sa jogging kaya si Arrjay ang teacher namin! Hahahahahaha! Lakad muna kami ng isang ikot, then nag-jog na kaNagising ako ng 4:51 ng umaga. Hindi sa pagiging excited kundi dahil sa pag-aalala na baka hindi makita yung dalawa! Isa pang dahilan, hindi ko alam ang timezone ng mga bahay nila kaya hindi ko alam kung anong oras ako dapat umalis dito sa bahay, plus na-expired na rin yung unli ko na na-extend ng 1 araw (salamat Globe!) kaya napilitan akong gamitin ang tinitipid kong 2 pesos na extra load! 5:20 na ako umalis, nagbabakasakali na baka nandun na yung 2. Sakay ako ngayon ng Tricycle, then Jeep. Sa Jeep nagbayad ako ng 10 php, tinititigan ko yung driver para suklian pero mukang wa-epek eh! Hindi na ako sinuklian ni Manong! Sayang ang 3 php! Ngayon baba ako sa tapat ng Holy Gardens kung saan kami mag jojogging. Pagpunta ko dun, tsk! wala akongmi, naka-5 ikot ako, pagkatapos ng ilang ikot nakaramdam na ako ng pagod, kaya pahinga na ako! Ayun hinayaan ko si Arrjay na tumakbo ng tumakbo.



Nakaramdam din ng pagod kaya yun natapos na! After nun, pumunta kami sa puntod ng tatay ni April, tapos sa puntod naman ng tatay ni Arrjay.

Ayun umuwi na kami pinauna na namin si April umuwi dahil mas malayo ang bahay nya samin tsaka 3 naman kaming magkakasabay. Ayun sakay kami ngayon ng tricycle, *wushing* mukang tinopak pa ang tricycle ni manong, ayaw umandar! Tsk! Kinailangan pa naming mag-antay para lang maayos yun. Ayun after 20 minutes naayos din, nag-pa gas muna si manong. Isa pang nakakatawa ang pag bumebwelo ang tricycle parang palaka ang tricycle dahil lumulundag ito!

Inuna na si Arrjay at Denise dahil mas malapit sila! Ayun syempre una din silang nagbayad. Nung tatanungin ko na si manong kung magkano ang akin, sabi sa akin 3 nalang daw ang kulang! Wuhu ang 3 na sukli ko dapat sa Jeep e yun pa ang ibinayad ko sa tricycle! Swerte! (sana hindi mabasa to ni Arrjay para hindi ako singilin! wahahahahaha!) Ayun, pagdating ko sa bahay, sarado pa! Masyado pang maaga kaya tulog pa sila! Badtrip, muka tuloy akong kawawa sa labas ng bahay namin! Sigaw ako ng sigaw! Wala waepek! Kaya napilitan akong maghintay ng 30 minutes (to be exact!). Ayun nagising din! Kaya natulog na agad ako! HAhahahahaha!

Saturday, May 12, 2007

Gusto ko nang Pumasok!

Oo! Gusto ko nang pumasok! Nangangati na ang paa, kamay, utak, at lahat na! Nababato na ako dito sa bahay! Gusto ko ng mag-aral at magpakatino! Pipilitin kong mag-paka nerd alang ala sa pagbawi ko sa mga "5" nakukuha ko sa MAPUA! (try nyo dun mag-aral! Nerd ka kung wala kang singko! Isa pa, may discrimination kang mararamdaman pag nalaman nilang never had kang nagka-singko. Mabait lang sila pag quiz! Ikaw ang pag-asa nila!) Ayun! Gusto ko na ring ma-experience ang pagiging Letranites ko! Wuhu! Makikigulo na rin ako tuwing NCAA! Lalo na pag laban ng Beda at Letran. Sa mga Mapua kasi mahina ang suporta! Panu ba naman, opening ng NCAA, may finals sila! Wahahahahaha! Panu pa magkakaroon ng suporta?! Ayun , isa pang dahilan gusto ko ulit maramdaman ang pakiramdam ng isang freshman! Yung tipong stranger lahat ng tao sa paligid, at ikaw naman kelangan mong umastang shy-type para hindi pa-turn off sayo mga classmate mo! Wuhu! Gusto ko ng makita mga itsura nila! Watch out for that post! (wuhu english! Nose bleed!) Isa pa gusto kong makita kong muli ang aking sarili na naka-uniform, nakaka-miss din un! Pero for sure pag ako nakita ng aking mga kaibigan sa Mapua, tiyak pagtatawanan nila ako! Tsk! Basta! Gusto ko ng pumasok! Yun lang!

Tuesday, May 8, 2007

Irreg na naman!!!

Pasenxa na at masipag akong mag-post ngayon!!!

Akala ko tapos na ang pagdurusa ko sa pagpasok sa ibat-ibang section at pagkilala ng ibat'ibang kaklase na naranasan ko sa MAPUA! Ang akala ko sa wakas may stable na akong section! Nagkakamali pala ako! Kanina nag-enroll na ako sa Letran, akala ko ulit mala-Mapua ang style dahil nung pinagawa nila ako ng sched pinapili ako kung anong gusto ko, mala-mapua style! At yun kanina lang napag-alaman ko na lahat ng akala ko mali pala! WAAAAAA! May naka-usap ang nanay ko na nanay din, tinignan ko ngayon yung sched nya! Block section sya! Tsk dun ko lang nalaman na irregular pala ako! tsk! Ampfness! Iba ang pakiramdam kung padapo dapo ka ibat-ibang section lalo na't block section ang dadapuan mo! Sabagay ayos lang sanay na ako dyan! isa pang nakakaasar may uniform! Ayos lang na-miss ko din namang mag-uniform! Eto pala yung malala! Bawal ng magpahaba ng buhok! Badtrip! High School! Shet! Ayun lang!

Maikling mensahe: Hi! joke lang! Nakabili na pala ako ng libro ni Bob Ong! MACARTHUR ang title! Ang kwento ay tungkol sa apat na adik! Na may iba't ibang storya! Basta maganda bili na kayo! (spoiler! wahahahaha!)

Monday, May 7, 2007

Ang saya ni Ayie ngayon!

Wag na tayong mag-paligoy ligoy pa!

Ayun muli pumunta nanaman ako ng Mapua-Letran, ngayon sa mapua naman ako ngayon unang pumunta para kunin yung transcript, honorable dismissal, at good moral ko. Syempre inuna ko muna yung Good Moral, nagbayad muna ako ng 100php tapos balik sa OSA. Ayun sabi ni ate balikan ko nalang bukas! Payag naman ako, no choice e! Tapos kukunin ko na yung Transcript ko, punta ako ngayon sa Customer Service, ang nakausap ko e yung matandang bisaya na nakakaasar! Ayun sabi nya balikan ko nalang daw ng 3:30 ng hapon! Ampf! Alas 9 palang e nasa skul na ako! Anong gagawin ko sa 6 na oras?! Dahil no choice ulit ako, ang 1 1/2 oras e nilaan ko sa skul kasama si kit, kat at almonte. Pagtapos nun almost 1 hour sa SM manila, iniisip ko na baka makatagal ako sa s.m kahit binabasa ko ang libro ni Bob Ong. Pero dahil sa tingin ko hindi ko kaya yun naisip ko na pumunta nalang sa tita ko sa Sta. Mesa, kaso nakakainip dun at hindi ko rin matatagalan ang boredom! Eto bigla ko nalang naisip na pumunta ng Mall of Asis. Sa di malamang dahilan bigla ko yung naisip, hindi ko alam, ayoko kasi dun! nakakapagod! Pero no choice (3rd time) ako! Punta nalang ako! Sumakay ako ngayon ng FX papuntang baclaran, 25 pesos ang pamasahe.

Sa kalagitnaan ng aking pagbaybay sa Manila, napadaan ako sa Roxas Boulevard. May pumukaw ng atensiyon ko! Isang kotse at isang babaeng tumatakbo papuntang kotse! Ang itsura ni babae, mukang pinulot lang sa Malate! Umandar nanaman ang pagiging madumi ng utak ko! wahahahahahahaha! Yun lang. Habang nakasakay naman ako sa FX tinitignan ko ang paligid, sa isip ko "hindi na pamilyar tong lugar! Naku po! Baka naliligaw na ako! Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa! Hindi ako naliligaw! Di nagtagal, nakita ko na ang palatandaan ng Mall of Asia! Wuhu!

Baba ako ngayon ng FX, tapos naglakad ng mahigit 50 meters - 1Km. Naglalakad sa tapat ng init ng araw tapos wala pang kausap! Pasok na agad ako sa Mall, pumunta agad ako sa National Bookstore para i-check kung may libro na sila ni Bob Ong (bago). Ayus wala pa! Kaya lakad lakad akO! Hinanap ko naman ngayon yung Fully Booked, ayun nakita ko! Oras na para haligapin! Kaso hindi ko naintindihan yung guide kaya nagkaletse letse ako sa MOA! Hanggang sa mapadpad ako sa Food Court, ang walang gana ko sa pagkain nagkaroon nalang ng gana ng maamoy ang pagkain! Dahil hinahatak ako ng tiyan ko sa Food Court wala akong magawa! Ayun duun ako kumain (ano nga yung pangalan nun?!). Adobo kinain ko! 63 pesos ata yun bukod pa yung large na iced tea! Nagulat nalang ako ng nakita ko yung price nung kakainin ko! 94php!!! Nung nakita ko yun, parang gusto kong isoli yung kakainin ko! Kaso no choice (ulit?!?!?!) Kinain ko nalang yun! Nabusog naman ako! Nagpahinga ng sandali. At yun destinasyon - FULLY BOOKED! Sa tagal kong paghahanap nakita ko rin siya! Pumasok agad ako! Hinanap ko agad yung bagong libro! Bibilhin ko na sana kaso wala na pala akong pera! Sapat lang para sa pamasahe ko! Kawawa naman ako! Kaya tinignan ko nalang siya! Hanggang tingin nalang ang kaya kong gawin! Mga 2:30 umalis na ako ng MOA.

Nakarating naman ako ng MAPUA ng mga 3:15, triny ko lang kung pepede ng kunin ung transcript! Ayun nakuha ko na rin! Yehey! Maipapasa ko na rin siya sa wakas! Umalis agad ako ng Mapua! Punta na agad ako sa Letran! Dahil kilala na ako ng guard dun, di na nila ako pinapirma! Wuhu! Pumunta agad ako sa Admission, nakita ko nanaman ang crush ko dun! Wuhu! Siya pa yung nag-asikaso sa akin! Wuhu! Tuwang tuwa naman ako! Kaso may pinakuha siya sa akin, yung curricullum ko, edi umalis muna ako. Di kalayuan sa Letran, narinig ko pangalan ko at hinahabol ako ni Ate Admission! Ngiting ngiti naman ako! Yun pala may tinanong lang! At yun pinabalik ko na! Di naman kalayuan sa Lyceum, may lumapit ulit na babae, hindi siya maganda hindi rin siya panget! Muka namang tao kahit papano! (wu! yabang!) Tinanong nya kung ano na raw oras sabi ko 4:35, buti nalang di pa siya nakakalayo, naduling pala ako! 3:35 lang pala! Nyahahahahaha! Ayun nangiti naman siya at halatang tinamaan sa tindi ng charm ko! Wahahahahaha! Ayun nasa mapua ulit ako! Nakaramdam ako ng hiya kasi kakagaling ko lang dun tapos nandun nanaman ako! Buti nalang hindi ako natandaan nung guard! Punta ult ako sa Customer Service, si matandang bisaya ulit ang nag-entertain sa akin! Ayun syempre dahil epal yun pagkabigay nya sa akin ng curricullum binigyan nya pa ako ng huling salita na agad namang tumagos sa kabilang tenga ko! Balik Letran ulit ako! Hindi pa ako napapalayo sa Mapua, may lumapit ulit sa akin tila tinamaan nanaman ng lakas ng charms ko! Tsk! Nagsalita siya! Iba pala ang pakay ni Ate, isa pala siyang volunteer para sa scholar ng nakalimutan kong pangalan ng skul, binebentahan nya ako ng ballpen sa presyong 100 php! Nagulat ako! Pero sabi nga its not all about money, its about how you help other people! Pero syempre naawa ako, hindi ko binigay yung 100 kasi pamasahe ko nalang, nag request nalang ako kay ate na 10 pesos nalang ang maibibigay ko, pumayag naman siya! Nginitian nya ako at binigyan ko rin siya ng isang magandang ngiti! Wahahahahahaha! Ayun sa Letran na ulit ako, habang kinakausap ako kay ate Admission, ako naman nakatitig lang sa kanya! Ayun natapos ang pagpapaliwanag ni ate ng hindi ko naintindihan ang sinabi nya! Ang naintindihan ko lang e pumunta daw ako ng registrar for evaluation, kung may cre-credit o wala! Pumunta ako! Evaluation na! 3 P.e at 1 NSTP lang ang nacredit! WTF?!?!?! Pero ok na rin yun kesa sa wala! Ayun pinag-ayos nila ako ng sked! Gawa naman ako, parang Mapua ang dating kaso nga lang, buong katawan at isip mo e gagalaw! Unlike sa Mapua kamay at mata lang ang kelangan mo makakagawa ka na ng sked at via online pa! Mejo natagalan ako, kasi nag-coconflict yung mga sked ko! Pero ayus lang dahil 3 araw akong walang pasok! 7:30 - 1:30 ang lagi kong pasok at uwi! Nang natapos ko nang gawin nagulat ako, ako nalang ata ang tao dun! At ang mga nagtatrabaho dun e nagsisi-uwian na! Wuhu! Ang galing! Di ko napasa ang dapat ipasa! Di ko namalayan inabot na pala ako ng alas 5 dun!

Sunday, May 6, 2007

Ang hinaing ng taong nag No-Nose Bleed! *wushing*

Oo tama! Tama ang nababasa nyo! Tanong: Bakit ganyan ang title mo? Sagot: Abangan! See you! Babay!



Joke lang!

Eto na! Matagal ko na tong gustong ilagay! Dapat ang title nito English Blog Versus Tagalog Blog (post)! Ayoko lang isulat mahaba e! *parang ang title ko ngayon ma-igsi ah!*. Ayun nga! Ganito kasi ang istorya nyan! Sa tuwing bumibisita ako sa iba't-ibang blog, syempre di maiiwasan ang basahin ang mga nilagay nila, pero pag-ingles na ang nakasulat! Patay na! Nose Bleed na to! amp! Wala lang! Naiinis lang ako magbasa ng ingles pakiramdam ko kasi nagpapasikat lang o nagpapaka dalubhasa lang sila *walang mapipikon , pag napikon ka, edi napikon!* Yun lang naman ang pakiramdam ko! Isa pa, pakiramdam ko kasi pag nagbabasa ako ng english blog hindi ko ma-feel ang sinusulat nila *pero mahilig akong magbasa ng english book*, pakiramdam ko hindi mo mararamdaman ang gusto nilang sabihin. Tsaka pag nag-joke sila, parang wala lang! Hindi nakakatawa kahit siya tuwang tuwa siya sa nilagay nya! Sa tagalog naman, uhm? Ayun masaya ako! Tulad nalang ng pagbabasa sa libro ni Bob Ong, pag binasa mo ito ng isang araw, pakiramdam mo kakwentuhan mo siya, at bigla ka nalang magigising sa realidad, maiisip mo lang na kakwentuhan mo lang pala siya sa libro. *dont wori walang koneksyon yan, naalala ko lang yung nangyari sa akin* Ayun na nga, pag nagbabasa kasi ako ng tagalog nararamdaman ko ang nakasulat. Napapangiti, naaantig at wala na sa mga nilalagay nila! Mapili ako pagdating sa pag-lilink ex.* Wanted: Blog na matindi ang sense of humor pasok kayo! Wala ng interview na magaganap* Tsk. Yun lang! Nasabi ko na rin sa wakas! *sa mga na-offend ko, pasenxa yun lang talaga ang nararamdaman ko* Pahabol lang pala, pasok sa akin ang english blog (post) pag masyadong malalim! Astig yun! Masarap intindihin ang ganun! Yun lang!

Friday, May 4, 2007

Spiderman!

Introduction:

Sa wakas! Nag-bayad ako ng 7.50 sa tricycle ng hindi nanghihinayang sa 50 sentimos! Tsk! Siguro dahil na rin may nakita akong 50 cents sa pitaka ko!

Yun lang tapos na!

Ops! Hindi pa tapos yan! Game eto na ang kwento!

Ayun muli nanaman akong nagbabalik sa mahal kong Intramuros! As usual Letran muna ang una kong destinasyon! Pagpasok ko nagulat ako, kilala na ako ng Guard! Nyahahahahaha! Suki?! Ayun! Nag-c.r muna! Tapos punta sa Admission, as usual kilala na rin ako dun! Basta nitatamad akong ikwento dahil sandali lang naman ako sa Letran eh.

Edi Mapua naman ako! Hindi ko muna hinanap mga kaibigan ko dahil gusto kong tapusin mo na ang ipinunta ko dun! Kaya ayun para makakuha ako ng transcript ang akala ko 300 lang! Pero 460 pala! Ang inaassume kong 400 na pera e naging 200+ nalang! Ayos pa rin may pang sine pa! Ayun good moral naman ang kukunin ko! Pero may bayad din pala! Taenang Mapua yan! Muka talagang pera! Tsk! Kaya hindi muna ako nagbayad! Ayun tapos na, canteen na destinasyon ko! Ayun nakita ko si kit at kat! Ayos may kasama ako! Usap usap! Almost 3 hours ako nakatambay sa skul. Buti nalang may mga dabarkadz ako na nandun! Yun di ako loner!

After 3 hours...

Ayun kumpleto na kami! Nuod na ng sine!

Sa S.M manila kami nanuod! 130 ang sine, dahil SPIDERMAN ang latest, yun ang pinanood namin! Syempre hindi mawawala ang food! With the help of my generous friend Menard! Sagot nya lahat ng pagkain: 3 large popcorn, at 6 na drinks! Tig-iisa kami! Wuhu ayos! 130 lang nagastos ko!

Nuod na kami! Walang istorbo

Tapos na! Yehey! (ang bilis nu?!) Ayun tae! Ang ganda! Ang lupit! Ganda ng effects! Ganda pa ng story!

Pagtapos umuwi na kami!

(walang kwenta ang post ko ngayon! wala ako sa mood magkweto eh! pasenxa!)

Wednesday, May 2, 2007

Ang Kwento ng Araw ko!

Letran

Muli kumuha ako ng Entrance Exam sa Letran, nakita nyo naman ang salitang "muli". Tanong bakit muli? Sagot ni ayie: Kasi po binalak kong mag-transfer sa nasabing kolehiyo para kumuha ng kursong Information Technology (wuhu! one step closer to I.T na ako!). Ayun nga, 6:30 palang ng umaga, umalis na ako ng aming bahay. Nakarating ako ng alas-8 dun, dahil sa aga kong pumasok tipong paparangalan nanaman ako ng most punctual! Kaya dun nalang ako bumaba sa dati kong binababaan nung ako'y nag-aaral pa sa Mapua. Nilakad ko yun na parang estudyante pa rin ng Mapua dahil na rin sa kasuotan ko kaya walang makakapansin na napadaan lang ako dun para masilayan muli ang eskwelahan na humubog sa akin bilang isang mag-aaral ng kolehiyo. Pag daan ko nakita ko agad ang mga banner kung saan nakalagay ang mga nag top notch sa nakaraang board exam! Dumami ang nakapaskil! Wuhu! Proud! Pagkatapos kong dumaan ayun napadpad na ako sa Letran. Iba sa mga bagong estudyante na papasok palang sa buhay kolehiyo, ako lang ata ang mag-eexam na walang bitbit na ina! Masaya tignan kung gaano kasuporta ang mga magulang, naalala ko tuloy ang panahon ko dati tulad nila (Paalala: 17 years old lang ako! baka isipin nyong matanda na ako!) Lumabas bigla ang isang tauhan ng Admission at pinapaakyat kami sa mala conference room na lugar. Reason: Naawa sa amin dahil sa init ng panahon! Ayun andun na kami. Syempre ang mga baguhan bitbit ang kanilang ina duun. Ako naman nagbabasa lang ng libro ni Bob Ong tipong hindi kinakabahan sa kung anong mangyayari. Makalipas ang ilang minuto, may pumasok na lalaki, tauhan din siya sa Admission. Siguro naawa ulit sa amin kaya inutusan ako na ipamigay ang kung anumang magazine yun! Pagkatapos kong ibigay pinakilala ako bilang Spencer Reyes! Bakit? Hindi ko alam kung bakit! Mukang napag tripan agad ako! Ganda ng umaga! Nyahahahaha! kaya napahiya ako ng konti! Pero iniisip ko nalang na walang nangyari. Tinignan ko ng saglit yung magazine, wala kwenta, hindi ko na-appreciate! Tsk! Ayun alas 9 na! Moment of truth na! Wuhu! Excited na ako! Ang destinasyon Computer Laboratory! Nakita ko palang nasa isip ko na agad na "tsk. Ayos to! Hindi written exam! Mejo matatapos ako ng maaga!" Ayun nagsimula na! Inuna ko ang science! 30 items! Medyo madali lang naman! Nanuyo lang ang utak ko ng may makita akong subject na Physics! Amp! Nakalimutan ko na lahat to! Kaya kelangan alalahanin ang mga natutunan nung high school! Dun lang naman ako nahirapan! Next English, madali lang, as usual, correct the blah blah blah, underline the blah blah blah, read the essay and answer it correctly! Wushuing! Sisiw! Sunod Math! Wuhu! Buti nalang madali ito! Polynomials lang ang pinaka mahirap nila. Tapos agad! (note: nang nasa number 27 na ako, yung katabi ko na nagsasagot ng math kanina pa naunahan ko pa! Wushu! Yabang!) Ayun una akong natapos! Mukang na-elib sa akin lahat! Wuhu! Yabang nanaman! (note ulit: Stock knowledge lang naman ang ginamit ko para masagot lahat at 4 na oras lang tulog ko nun! Wushu! Yabang nanaman!) Tama na ang kayabangan! Ayun pagka tapos sinabi agad na pasado ako! Nyahahahaha! Weak! Ngayon interview naman ang pupuntahan ko! Di ko kilala kung sino man yung nag-interview sa akin! Basta ang masasabi ko lang nakakatuwa siya! Ang kelangan ko nalang lahat ng requirements na kelangan! Ayun tapos!

Mapua

Dahil sa nakakagawian ko na sinasabay ko na ang lakad ko sa Mapua. Ngayon yung Form ang kelangan ko para mag shift. Nakakuha naman ako agad! Kaso dahil lagi yung mga hindi estudyante ang inuuna nung matabang babae sa Customer Service e hindi ko siya nakausap ng matino kaya nagtungo nalang ako sa canteen dahil alam ko break nung mga kaibigan ko! Ayun nakita ko naman sila! Kaso sandali lang kasi may klase na sila! Kaya naiwan ako mag-isa nag-hihintay ng kakilala para magtagal pa dun! Kaso wala akong nakita! Kawawang ayie! Buti nalang naalala ko si Ate Thess at yun pinuntahan ko siya sa room niya! Wala lang kinawayan ko lang siya! Ayun dahil sa kainipan umalis nalang ako!

Raon

Inutusan ako ng teacher ko dati na bumili ng rubber para sa steel tungkod niya! Kaya napapunta ako sa Raon, sa mga di nakakaalam sa may bandang Quiapo yun! Ayun nagkamali pa ako ng binabaan kaya napahaba ang nilakad ko kasabay ang tindi ng init! Naglalakad ako habang tumutulo ang pawis ko! Taena ang baho ko! Ayun andun na ako! Dahil first time ko, iniisip ko na ang Raon ay parang D.M (divisoria mall) pero nabigo ako! Tindahan pala yun ng kung ano anong appliances at music instrument! Wushing! Mali ang hinala ko! Naglakad lakad ako pero wala akong nakita kaya bumalik nalang ako para sumakay papuntang S.M Megamall!

S.M Megamall

A. Powerbooks
Yun ang una kong pinupuntahan pag nasa Megamall ako! Paborito ko yun! Package na! Bookstore with music store! Ayos! Ayun habang naghihintay ako basa basa muna! Dun ako sa Noypi section! Basa basa! Dahil walang maupuan kaya naisipan ko na sa lapag nalang magbasa!Ayun natapos ko siya! Pag-tayo ko nagulat ako sa nakasulat. . .

Wahahahaha! Tanga eh! Isa pa! Meron din palang nakapaskil na No Picture Taking Allowed Wuhu! Ang lupit ko talaga! Imahe talaga ako ng isang kabataan! wahahahaha! Ayun dahil nakonsyensya na ako naghintay nalang ako na may umalis dun sa upuan! Solve! Natapos ko ang ABNKKBSNPLako?!?!?!?! no Bob Ong!

b. Ikot ikot sa SM

Habang naglalakad ako nabaling ang atensyon ko sa dalawang mama. . .

Mama 1: Uy!
Mama 2: Uy pare! Musta na?
Mama 1: Eto ok lang, anak mo yan?
Mama 2: OO pare!

Ang mga sumunod na pag-uusap e hindi ko na alam! Bigla nalang ako napaisip. Halimbawa mangyari din samin yun, ano kaya ang pakiramdam nun? Nakakatuwang mag-imagine minsan! Nyahahahaha!

Sunday, April 29, 2007

Reunited!


Wushu! Bumabalik nanaman ang ala-ala ko tungkol nung High School ako! Namimiss ko ang tawanan, asaran, at damayan! Kahit lima lang kaming lalaki nung High School! Okay na yun masaya pa rin! Namimiss ko ang mga away na nangyayari, lalo na pag lunch ako lagi ang hingian at ang mga kaibigan ko ang mga taga-pakyaw kaya laging simot pagkain ko!

Dahil sa iba't ibang schedule naming magkakaklase bihira nalang kami magkita-kita. Magkikita nalang kami coincidentally, sa may jeep, sa LRT, sa may palengke. Dahil minsanan lang mangyari yun nilulubos namin yung oras kaya inaabot na kami ng gabi hanggang sa mapagalitan na kami ng aming mga magulang!

Nagawa kong kumpletuhin lahat ng tapat kong kaibigan nung burtdey ko kahit hindi lahat e nakapunta! Pero at least masaya pa rin dahil natipon ko ulit sila after 1 year! Kulang ang oras dahil gabi na rin yun! Kaya hindi ganoon kasaya!

Muli nagtagpo ulit ang aming mga landas sa pagdalaw namin sa bahay ng aming kaklase sa kadahilang namatay ang kanyang ama. Ayun 2nd day andun kami! AMPF! Ang saya nun! Medyo kumpleto ang tropa namin! Saya saya! Kine-ilangan nanaman sulitin ang bawat sandali! Ayun masaya pero hindi pa rin enough!

Sa tuwing makikita at makakasama ko sila gusto kong itigil ang oras para makasama silang lahat! Pepede na rin ang vacation kasama kami kami! Saya siguro nun!

Dedicated to: Arrjay, Jeffrey, Merylle, Noraiza, Irish, Jobelle, Algie, Somarie, Jessica, Cess, April, Jessiel, Ate JLou, Danica, at ako!!!!

Thursday, April 26, 2007

Ang Lupit Talaga ni Juan Dela Cruz!



Wuhu! Pilosopo! AMPF! Nyahahahaha!

Tuesday, April 24, 2007

Katangahan! AMPF!

Mga alas tres tumawag ang nanay ko dahil pinapakuha nya ang gamot ng aking ama pati na rin ang motor namin! Syempre dahil masunurin ako! Sinunod ko! Ayun! Bumali ako ng bahay para magsuklay dahil bagong ligo ako! Yun! Umalis na ako! Habang naghihintay ako ng tricycle naalala ko yung gamot! Kaya bumalik ako ng bahay! At kinuha ko! Balik ulit ako! Sabi ng nanay ko nasa tapat daw siya ng BPI kaya dun ako bumaba. Pagbaba ko wala ang nanay ko! Wuhu! Ang saya! Wala akong pambayad ng tricycle dahil hindi ko dala ang wallet ko! Pati hindi ko rin macontact nanay ko dahil hindi ko dala ang cellphone ko! Kaya no choice! Naghanap ako! Ayun nakita ko ang MOTOR namin! Ang problema wala naman ung susi kaya hindi ko mauuwi! AMPF! Balik ulit ako sa nasabing meeting place! Wala pa rin! Hanggang sa nagalit na sa akin ung tricycle driver! Wuhu! Nagsisisigaw! Pero mabait naman dahil sabi ko ibalik nalang ako at babayaran ko nalang siya! Pumayag naman si manong! Dapat lang! Ayun pagbalik ko kinuha ko yung pitaka ko at cellphone ko! Buti nalang may load ako! First time magkaroon ng extra load! Ayun text ako! Imbis na reply ang tanggapin ko tumawag nalang siya! At yun hindi na nagpasundo! Buti nalang hindi nagalit sa akin! Eto pa may reward pa ako! Nakapag merienda kami ng Jollibee! Sunod sunod na araw na jollibee lang ang merienda!

Monday, April 23, 2007

PULP : April Issue

This year I was planning to collect PULP magazine. So every month bumibili ako. Ngaung April lang ako natagalan sa pagbili. Kahit nagkakaroon naman ako ng enough money to buy the April Issue of PULP. At kahapon nga natupad na! Wuhu! Dahil mabait naman ang nanay at tatay ko kahapon nag-request ako na ibili ako ng PULP. Hindi naman ako na-eexcite. Tama lang! Hanggang dumating ang takdang oras. Nakauwi na sila. Ayun tinanong ko agad ang mahal kong ina kung may nabili siya. Sabi nya wala kaya may konting inis na namuo! Nyahahahahaha! Tigas ng mukha ako pa may ganang magalit ampf! Ayun nga inabot nalang sa akin ng tatay ko yung magazine. Tinignan nila. Medyo demonic ang dating! Ampf! What do you expect? Malapit na summer slam eh! Tapos ang title pa e "7 Deadly Sin" kaya ganoon nalang ang cover ng mag.! Wuhu! Badtrip! Ang sama ng issue! Disappointed ako! Pero hindi ko muna binigyan pansin kasi busy ako sa computer!

Kanina nga sinimulan ko ng basahin yun! Kinikilabutan talaga ako sa cover! Tsk! Bakit? Kasi Baptist ako! Devoted ako kay GOD! Kaya yun pero hindi masisira ng simpleng magazine ang faith ko! Nyahahahaha! Asa boy! Ayun! Kaya hinahayaan ko nalang ang mga mademonyong article! Binasa ko nalang yung may sense! Ayun ang feature band eh. Giniling Festival {comment: mukang ok!} at Sugarfree {the best! bibili na talaga ako ng Tala-arawan!} ayun! Yun lang binasa ko! Tapos nung nakita ko ulit ung cover! Nainis na ako! Pinunit ko yung harap! Tsaka lahat ng mga madedemonyong article dun! Nyahahahahaha! Ok lang yun! Ok pa naman kahit pinunit ko na! Tignan nyo nalang yung cover ng Pulp. Bahala na kayo kung ok lang senyo!

Friday, April 20, 2007

Nang dahil sa 'yo "RUN"?!

Nang dahil sa kagustuhan kong gawin ang isang illegal na bagay nagresearch ako. Research lang ako ng research! Hanggang yun! Nakita ko siya! Pinag-aralan ko ngayon mabuti! Hanggang sa kelangan gumamit ng Run Command agad agad ko naman siyang hinanap! And poof! Wala siya! Yehey! AMpfness! Syempre dahil desperado akong makita yun research ako! Research doon research dito! Wala pa rin! Buti nalang nanka online si ate thess (special mention kaya yellow cab ulit! Nyahahahahaha! Dyowk lang!) Si Te thess ay graduate ng Comsci sa UST at nagtrabaho ng 2 years ata (tama ba???) tapos bumalik estudyante para kumuha ng GEG sa Mapua! (nyahahahaha! ikwento ba daw!) Syempre dahil naging call center agent naman siya at sa troubleshooting sya (tama ba ulit??) nakaassign dali dali akong nagtanong. Sinagot niya naman! Bigay siya ng mga pepedeng gagawin! Ayun! Waepek pa rin! Hanggang sa napunta kami sa : start>accessories>system tools>sytem restore (warning: wag gagawin kung hindi naman kelangan baka magkaleche leche kau sa pagaayos o pagbabalik!) Ayun sabi nya irestore ko daw yung isang files na nasa calendar. Sunod naman ako. Ang pagkakasabi nya e yung malapit lang daw sa araw na 'to. Syempre dahil masunurin ako hindi ko yun ginawa! Pinili ko yung April 6! Nyahahahahaha! Next lang daw ng next! Hanggang sa mag-reboot ang p.c! Ayun na-restore na! Kaso ang maling pagkakamali eh bumalik ang mga files na pinaslang ko na dito! In short BACK TO APRIL 6 ANG PROGRAM NG COMPUTER KO! Ampfness! Imbes na mapabuti e mas nagkaleche leche ang computer ko! Kaya lahat ng inalis ko dati inalis ko muli! Plus ang topak ng computer ko dahil sa mga files na wala na kaya yung iba hirap tanggalin na! Naka 3 - 6 restart ata ang nagawa ko! Hanggang sa bumalik ulit ako sa system restore at sinunod ko na yung sinabi ni Ate Thess! Ayun ok naman kaso wala naman dun yung mga ininstall ko kahapon/kagabi! Nung ok na balik ulit ako sa Run! Research ulit! Sinunod ko na maigi! Kaso waepek pa rin! Ampfness na talaga! Kaya sumuko nalang ako! Binalik ko nalang yung mga program na nawala!

Note: Kung may alam kayo ukol sa paksang ito, wag kayong mahiyang magbigay ng mensahe kung gusto nyo naman na sa pribadong paraan, kausapin nyo nalang ako (Y.M ko silver_hawker12) kahit sino basta may alam tungkol sa pagbabalik lang ng RUN COMMAND! Pleeaassee!!!!

Tsalamat!!!

Thursday, April 19, 2007

Strolling sa Mall kasama si ako!

Muli pupunta ako ng Mapua para asikasuhin naman ngayun ang pag-shishift ko!

Bago ako sumakay ng jeep kumain muna ako sa mga carenderia! Nagugutom kasi ako! Tutal quarter to 8 palang naman yun! Umorder ako ng tosilog dahil nagugutom ako! Ayan na si pagkain! Nagulat ako kasi 7 piraso ng tocino ang makikita mo at ang hindi pa gaanong lutong itlog! AMPF! Buti nalang garlic rice yun! No choice ako kaya kinain ko tutal gutom naman ako!



LRT na ako ngaun! Syempre dun ako sumakay sa unahan! Favorite place! Nang papalapit na ako sa waiting area naaninag ko ang Xpress (libreng dyaryo sa LRT), kaya dali-dali akong kumuha! Basa basa muna!



Nasa loob na ako! As usual nakatayo! Balik sa dyaryo! Nilipat ko agad sa may Sudoku dahil namimiss ko ng magsagot nun! Hindi na ako bored pag ganun! At yun natapos ko rin ng nasa Legarda palang! Wuhu! Nakatapos nanaman ako! Hindi pa rin pala panis ang utak ko sa pagsagot nun!

Nasa Intramuros na ulit ako! Pumunta muna ako ng Letran para tanungin kung kelan yung pasahan ng requirements! Ayun kelangan papala muna mag-exam para makapag-pasa! Ayun natanggalan nanaman ako ng isang tinik! Punta na ng Mapua! Mapua na! Punta muna ako ng visitors place! Para kumuha ng visitors i.d! Umatake nanaman ang katangahan ko! Dahil hindi ko pa rin alam ang PUSH ngayon hindi ko mabuksan yung pinto! Inakala ko nalang na baka sarado! Pero nung tumingin ako sa loob nakakita ako ng mga tao at nakita ko rin ang mga kaibigan ko na pinagtatawanan ako! Ayun nakapasok ako! Hindi ko muna sila pinansin kasi pupunta muna ako ng Customer Service para mag-apply for shifting! Ayun konting conversation lang! Tapos na agad! Punta na ako ngaun sa mga kaibigan ko!

<>

Nakakita si Paolo ng 50php at tinuro sa akin na tinuro ko naman sa kanila! Nung una wala dumadampot sa amin hanggang sa dinampot ni Kit! Madaming usapin ang tinalakay namin para lang dun sa pera! Naisipan nalang nila na ipambili nalang yun ng Milo Ice Cream kesa ibigay sa Guard! Canteen! Bumili si Paolo, Paul at Kenneth ng Ice Cream gamit yung 50php na napulot! Nilapag nila ngayon yung sukli sa lamesa namin na kinuha naman ni Kit para sa kaniyang pamasahe at kinuha naman ni Ponce para ibili ng Ice Cream!



Umalis na sila kasi may klase na sila at ako destinasyon ko naman ang Library para magpapirma ng Clearance! Tapos kinita ko si Bang! Sinabayan ko siyang kumain dahil nakakaawa siya dahil siya lang mag-isang nag-bebreak! Condolence bang! Hanggan sa naghiwalay na kami kasi aalis na ako!

Sumakay ako ng jeep papuntang Quiapo. Bumaba na ako! Hinanap ko ngayon yung FX papuntang SM Megamall! Matagal tagal din akong nakababad sa initan para lang hintayin yung FX! Sa wakas dumating din! Sa gitna ako nakaupo! At dun nakatutok ang araw kaya walang epekto ang lamig ng FX! Medyo matagal din ang byahe!

Nakarating din sa SM. Nanibago ako siguro sa kadahilanan na rin na matagal na akong di napupunta sa lugar na yun! Pumunta muna ako ng CR! Tapos ang paborito kong tambayan! Ang POWERBOOKS! Medyo matagal din ako dun as usual! Pumunta ako sa kabila dahil ang main reason ko talaga dun e panoorin ang album launch ng Silent Sanctuary! Paborito kong Banda ngayon! Nung pumunta ako wala akong nakita! Kaya bumalik ako! Sa kabila naman e yung may laban ng Badminton! Kaya wala din dun! Nawalan na ako ng pag-asa kaya bumalik nalang ako ng Powerbooks! Nakinig, Nagbasa! Mga 30 minutes din ako dun! Nang nainip na ako umalis na ako! Bumili muna ako ng Frappe! 65php! Nung una napapaisip akong bilhin yun pero nauna pa rin ang takam ko kaya napabili ako! Hanggang sa mapunta ako sa grocery stores at napagisipan kong umuwi na! Tutal wala naman akong gagawin!