Saturday, March 31, 2007

Lakad

Nang umatake nanaman yung aking sa pagkainip e naisipan kong maglakad lakad. Dapa may lakad talaga ako kaso nainis ako kaya naudlot. Napag-isip isip kong pumunta nalang sa bahay ng kaibigan pero kinontra ng isip ko na huwag nalang tumuloy. Naglakad ako mag-isa. Nang nasa tapat na ako ng simbahan ng angono, naisipan kong magtext at yayain ang isang kaibigan para pumunta sa bahay ng best friend ko. Patuloy pa rin ako sa pag-lalakad. Nang mapadpad ako sa bahay nila hinanap ko siya agad pero sabi ng kapatid niya wala daw, umalis. Nalungkot ako! (joke lang!). Galing sa bahay nila dumiretso ako ng palengke tutal mejo malapit lapit naman yun. Nang nasa palengke na ako, bumili ako ng zagu para may mapaglilibangan. Ang sunod na lakad ko naman eh sa bahay na nang best friend ko. Kaya sumakay ako ng jeep. Bumaba ako ngaun sa Pag-Asa. Ang bahay nila e dulo pa nang lugar nila kaya malayo-layo. Pag dating ko naka-tatlong tawag ako sa kanya pero yung kapatid nya ang lumabas. Wala pa daw ang hinayupak! Ampf! Worthless ang pagpunta ko! Pero ok lang. Edi balik ako. Sakay ulit ng jeep pabalik ng angono. Bumaba ako ngayon sa plaza. Pagbaba ko bumili naman ako ng mani para may mapag-lilibangan ulit. Naglakad ako uli pa-uwi.

Lakad lang ako ng lakad. Dinadala lang ako ng paa ko kung saan niya maisipan. Pero hindi naman ako ganoon napagod!

Ampf! Walang napala sa lakad ko!

Thursday, March 29, 2007

Hostage!

Napapansin ko na napapadalas ang mga HOSTAGE ngaun. At ito ang opinyon ko sa dalawang HOSTAGE na nasaksihan ko lang kamakailanlan lang sa balita!

HOSTAGE DRAMA with VILLEGAS
---[> nung una kong nakita yung balitang ito bigla nalang ako naging interesado sa istorya nya. Naging interasado ako dahil iniisip ko kung bakit nya kelangan mang-hostage ibig kong sabihin e dapat maging fair siya sa hatol. Lahat naman nadadaan sa usap. Tinutukan ko talaga ang mga expose tungkol sa kanya. Medyo naging bayolente lang yung pangyayari kasi kinailangan pang gumamit ng mga armas pero sabagay hindi siya nadadaan sa pakiusap eh. At yun hanggang sa mamatay siya dahil sa pagsabog ng granada. Natawa lang ako kasi bago siya mamatay nag-request pa siya na kung gagawing pelikula ang buhay nya e si Bong Revilla ang gaganap. Sino bang direktor o producer ang mag-iisip na gawing pelikula ang buhay nya? 1. isang hamak na stuntman lang siya 2. ano bang naitulong nya sa bansa at kelangan talagang gawan ng movie at 3. malaking kakahiyan ang ginawa nya!

HOSTAGE CRISIS with Ducat
---[> natuwa ako sa hostage at as usual naagaw agad ang atensyon ko! Medyo naawa ako nung una sa mga bata dahil mukang nakakaawa! hahahahaha! Pero nung narinig ko yung issue kung bakit kelangan nyang gawin yun sinabi ko sa sarili ko "reasonable naman pala ung dahilan nya e" pero kahit ganun yun hindi pa rin maganda yung ginawa nya kasi may posibilidad na ma-trauma ang mga bata unless na may ginawa talaga siyang dapat ika-trauma ng mga bata. Pero base sa nakita ko sa T.V, bahid naman sa mukha ng mga bata na walang ginwang masama si Ducat! Natapos ang hostage ng 10 oras. Bigla ko tuloy naisip na "gutom na kaya yung mga bata?" Pero kahit ganoon saludo pa rin ako kay Ducat dahil sa pagbibigay nya ng libreng edukasyon sa mga bata!

---

Wednesday, March 28, 2007

Quezon Expedition

March 25. Eksaktong alas-singko ng umaga agad akong gumising para sa napag-usapang pagpunta sa Sariaya,Quezon. Pagka-gising na pagka gising ko agad akong naligo at nag-impake! Mga alas singko y media agad kaming umalis para tumungo sa Antipolo at doon tagpuin ang iba pang kasama pati na rin ang sasakyang gagamitin paluwas ng maynila! Jeep ang gamit namin! Mga 5 + 2 + 3 + 3 = 13 na tao sa Jeep kaya pede kang humiga! Mga apat na oras ang byahe! Pero bago kami dumating dun nag stop-over muna kami sa Jollibee para mag-breakfast tanaw ang bundok! Hotsilog ang order ko (kelangan talagang sabihin!) Tapos sa kalagitnaan ng byahe ako'y gumawa ng eksena! Naiihi ako! Xempre dahil walang madaanan na gasoline station kinakailangan kong umihi sa damuhan! Wala na akong pakealam nun kung ano man ang sabihin nila basta ako gusto ko ng pakawalan ang aking ihi! Pagpapatuloy! Nakarating din kami sa lugar mga alas diyes ng umaga! Pero makalipas ang mga tatlongpung minuto e nagdesisyon sila na mag-beach. Xempre payag naman sila! Mga 10 minuto ang byahe at nakarating kami! Libre yung beach na napuntahan namin! Mainit nun kaya napagdesisyunan kong hindi maligo sa beach! Malamig naman ang hangin kaya natulog nalang ako! Pagising ko mainit pa rin kaya binili ko nalang lahat ng pagkaing nilalako dun kasama ng pinsan ko! Mga alas 2 o 3, bumalik kami sa bahay ng tito ko! Walang magawa kaya natulog nalang ulit ako! Pagising ko sabi nila mag swiswimming ulit kami kaso sa pool naman! Pakiramdam ko "okay, makakaligo na ako", pero mga 3 oras na bago sila nagdesisyon na maligo na nga! Ayun mga alas 7 ng gabi un isang liblib na lugar ang nasabing pool! Isang bahay at isang pool sa loob ng kagubatan! ampf! Ngaun naman ang dahilan ko malamig pero napilitan ako dahil kung hindi ako maliligo, papainumin nila ako ng alak! Kaya naligo ako pero isang oras lang! Mga 10 pm narin kaming bumalik! Pero 12 ako natulog!

Alas 10 ako nagising at masakit ang katawan dahil sa sahig lang ako natulog! Ngaun dahil antok pa rin ako umakyat ako at naghanap ng kwarto na may electric fan at duun natulog! At un natulog nga ako! Pagkagising ko gutom ako pagbaba ko ubos ang pagkain! Kaya no choice tumulala nalang ako! Pero nawala din gutom ko! Ngaun ginawa ko mag-video-oke nalang dahil wala din namang kumakanta! Ngaun nakaamoy ako ng pagkain kaya napalingon ako, at ayun nakita ko na nagluluto ang aking tita! Agad na kumislap ang mga mata ko! Makalipas ang ilang oras hinain na ang mga pagkain: talong, longganisa, bagoong , at isang pagkain na hindi pamilyar sa paningin ko. Longgonisa lang ang pagkain ko dahil yun lang ang kursonada ko! Pagkatapos kumain nagpahinga kami at nagdesisyon na umuwi na! Mga alas sais na at yun na ang takdang oras para umuwi pero sa kasamaang palad e dumating ang ukay-ukay ng aking tita, kaya ang aking ina at tita e namili ng mga damit kaya nausog ang oras ng pag-uwi! 30 minutes din ang tinagal nila at napansin din nila madilim kaya nagdesisyon sila na umuwi! At yun byahe ulit pero hindi kumpleto ang byahe pag walang dalang pasalubong! Bumili kami ng turones, cassava, buko pie at pastillas sa COLLETE's.

Nakarating kami sa bahay ng eksaktong alas-10 kaya nakapanood pa ako ng PBB! hahahahaha!