Monday, December 31, 2007

Cleared

Pangalawang Post! Naks! Hindi ako masipag! Nalulumbay ako! Bakit? Hindi ko sya nakausap at hanggang sa mga oras na to umaasa pa rin ako ng mag-oonline sya at mag-uusap kami. Lalo akong nalulungkot. It's not a day without anything from her. Ampf! Magkekwento nalang ako tungkol sa aming dalawa.

Dec 28. Mga hapon o gabi ata yun. Basta ewan. Niyaya ko syang lumabas. Ako ang magsisilbing tour guide nya sa araw na yun. Tutal last day nya nanaman. At may pakiramdam akong gusto kong maranasan at magawa nya yung mga bagay na hindi nya pa nagagawa sa buhay nya. Hindi ko alam kung bakit parang napaka special nya sa akin. Never akong ganito kahit sa unang pag-ibig pero hindi kami. Ewan. Compare sa lahat ng niligawan ko never ko tong naramdaman. Parang super concern ako kahit hindi naman kelangan. Basta yun. Niyaya ko siya. Gusto ko syang pasayahin. Pero nauwi sa pagback out ko. Bakit ewan? Nahihiya ako. Wala akong pera. Bakit ba lagi kong pinoproblema ang pera? Kasi nahihiya ako. Baka isipin nya ang dukha ko, baka isipin nya na if ever magiging kami wala akong maipapakain sa kanya o malilibre. Hindi ko alam. Concern talaga ako. Yun ang isa sa dahilan ko. Isa pa tinatamad ako. Pero 5% lang yun. Ayun. Sa pag-uusap namin. Ramdam ko ang disappointment nya. Ayokong itanong dahil nahihiya ako. OO may hiya pa naman ako. <\n> Nang inutusan na ako ng nanay ko na matulog, chineck ko muna ang multiply at fs ko. Pag ka reload ko ng multiply parang na-curious ako. Ang dami nyang post hindi normal yun. Dahil once in a blue moon lang sya magpost sa multi. Out of curiosity binasa ko. Nagulat ako sa nabasa ko. Ewan. Ang saya ng pakiramdam ko. Nakalimutan ko ang utos ng nanay ko. Nanginginig ako sa tuwa. Iba ang pakiramdam, parang "Wow! I'm Alive". Parang ganun. Unexplainable happiness. Bigla ko syang in-IM sa ym at tinanong ang tungkol dun. Speechless sya. Masaya ako. Natutuwa ako sa reaction nya. Basta masaya ako. Ayun. Hanggang sa mapagusapan yun. Usap usap. 360 degrees na ang ngiti ko sa muka. Hanggang sa umabot ako sa desisyon na ituloy ang lakad namin, at buti naman nasabi nya ang SM at least wala na akong aalalahanin. Nawala ang concern ko sa pera. Sinabi ko naman sa kanya na wala akong pera. Sabi nya sya na daw bahala. Humindi naman ako. Kasi kahihiyan ko yun. Basta masaya ako!