Sunday, April 29, 2007

Reunited!


Wushu! Bumabalik nanaman ang ala-ala ko tungkol nung High School ako! Namimiss ko ang tawanan, asaran, at damayan! Kahit lima lang kaming lalaki nung High School! Okay na yun masaya pa rin! Namimiss ko ang mga away na nangyayari, lalo na pag lunch ako lagi ang hingian at ang mga kaibigan ko ang mga taga-pakyaw kaya laging simot pagkain ko!

Dahil sa iba't ibang schedule naming magkakaklase bihira nalang kami magkita-kita. Magkikita nalang kami coincidentally, sa may jeep, sa LRT, sa may palengke. Dahil minsanan lang mangyari yun nilulubos namin yung oras kaya inaabot na kami ng gabi hanggang sa mapagalitan na kami ng aming mga magulang!

Nagawa kong kumpletuhin lahat ng tapat kong kaibigan nung burtdey ko kahit hindi lahat e nakapunta! Pero at least masaya pa rin dahil natipon ko ulit sila after 1 year! Kulang ang oras dahil gabi na rin yun! Kaya hindi ganoon kasaya!

Muli nagtagpo ulit ang aming mga landas sa pagdalaw namin sa bahay ng aming kaklase sa kadahilang namatay ang kanyang ama. Ayun 2nd day andun kami! AMPF! Ang saya nun! Medyo kumpleto ang tropa namin! Saya saya! Kine-ilangan nanaman sulitin ang bawat sandali! Ayun masaya pero hindi pa rin enough!

Sa tuwing makikita at makakasama ko sila gusto kong itigil ang oras para makasama silang lahat! Pepede na rin ang vacation kasama kami kami! Saya siguro nun!

Dedicated to: Arrjay, Jeffrey, Merylle, Noraiza, Irish, Jobelle, Algie, Somarie, Jessica, Cess, April, Jessiel, Ate JLou, Danica, at ako!!!!

Thursday, April 26, 2007

Ang Lupit Talaga ni Juan Dela Cruz!



Wuhu! Pilosopo! AMPF! Nyahahahaha!

Tuesday, April 24, 2007

Katangahan! AMPF!

Mga alas tres tumawag ang nanay ko dahil pinapakuha nya ang gamot ng aking ama pati na rin ang motor namin! Syempre dahil masunurin ako! Sinunod ko! Ayun! Bumali ako ng bahay para magsuklay dahil bagong ligo ako! Yun! Umalis na ako! Habang naghihintay ako ng tricycle naalala ko yung gamot! Kaya bumalik ako ng bahay! At kinuha ko! Balik ulit ako! Sabi ng nanay ko nasa tapat daw siya ng BPI kaya dun ako bumaba. Pagbaba ko wala ang nanay ko! Wuhu! Ang saya! Wala akong pambayad ng tricycle dahil hindi ko dala ang wallet ko! Pati hindi ko rin macontact nanay ko dahil hindi ko dala ang cellphone ko! Kaya no choice! Naghanap ako! Ayun nakita ko ang MOTOR namin! Ang problema wala naman ung susi kaya hindi ko mauuwi! AMPF! Balik ulit ako sa nasabing meeting place! Wala pa rin! Hanggang sa nagalit na sa akin ung tricycle driver! Wuhu! Nagsisisigaw! Pero mabait naman dahil sabi ko ibalik nalang ako at babayaran ko nalang siya! Pumayag naman si manong! Dapat lang! Ayun pagbalik ko kinuha ko yung pitaka ko at cellphone ko! Buti nalang may load ako! First time magkaroon ng extra load! Ayun text ako! Imbis na reply ang tanggapin ko tumawag nalang siya! At yun hindi na nagpasundo! Buti nalang hindi nagalit sa akin! Eto pa may reward pa ako! Nakapag merienda kami ng Jollibee! Sunod sunod na araw na jollibee lang ang merienda!

Monday, April 23, 2007

PULP : April Issue

This year I was planning to collect PULP magazine. So every month bumibili ako. Ngaung April lang ako natagalan sa pagbili. Kahit nagkakaroon naman ako ng enough money to buy the April Issue of PULP. At kahapon nga natupad na! Wuhu! Dahil mabait naman ang nanay at tatay ko kahapon nag-request ako na ibili ako ng PULP. Hindi naman ako na-eexcite. Tama lang! Hanggang dumating ang takdang oras. Nakauwi na sila. Ayun tinanong ko agad ang mahal kong ina kung may nabili siya. Sabi nya wala kaya may konting inis na namuo! Nyahahahahaha! Tigas ng mukha ako pa may ganang magalit ampf! Ayun nga inabot nalang sa akin ng tatay ko yung magazine. Tinignan nila. Medyo demonic ang dating! Ampf! What do you expect? Malapit na summer slam eh! Tapos ang title pa e "7 Deadly Sin" kaya ganoon nalang ang cover ng mag.! Wuhu! Badtrip! Ang sama ng issue! Disappointed ako! Pero hindi ko muna binigyan pansin kasi busy ako sa computer!

Kanina nga sinimulan ko ng basahin yun! Kinikilabutan talaga ako sa cover! Tsk! Bakit? Kasi Baptist ako! Devoted ako kay GOD! Kaya yun pero hindi masisira ng simpleng magazine ang faith ko! Nyahahahaha! Asa boy! Ayun! Kaya hinahayaan ko nalang ang mga mademonyong article! Binasa ko nalang yung may sense! Ayun ang feature band eh. Giniling Festival {comment: mukang ok!} at Sugarfree {the best! bibili na talaga ako ng Tala-arawan!} ayun! Yun lang binasa ko! Tapos nung nakita ko ulit ung cover! Nainis na ako! Pinunit ko yung harap! Tsaka lahat ng mga madedemonyong article dun! Nyahahahahaha! Ok lang yun! Ok pa naman kahit pinunit ko na! Tignan nyo nalang yung cover ng Pulp. Bahala na kayo kung ok lang senyo!

Friday, April 20, 2007

Nang dahil sa 'yo "RUN"?!

Nang dahil sa kagustuhan kong gawin ang isang illegal na bagay nagresearch ako. Research lang ako ng research! Hanggang yun! Nakita ko siya! Pinag-aralan ko ngayon mabuti! Hanggang sa kelangan gumamit ng Run Command agad agad ko naman siyang hinanap! And poof! Wala siya! Yehey! AMpfness! Syempre dahil desperado akong makita yun research ako! Research doon research dito! Wala pa rin! Buti nalang nanka online si ate thess (special mention kaya yellow cab ulit! Nyahahahahaha! Dyowk lang!) Si Te thess ay graduate ng Comsci sa UST at nagtrabaho ng 2 years ata (tama ba???) tapos bumalik estudyante para kumuha ng GEG sa Mapua! (nyahahahaha! ikwento ba daw!) Syempre dahil naging call center agent naman siya at sa troubleshooting sya (tama ba ulit??) nakaassign dali dali akong nagtanong. Sinagot niya naman! Bigay siya ng mga pepedeng gagawin! Ayun! Waepek pa rin! Hanggang sa napunta kami sa : start>accessories>system tools>sytem restore (warning: wag gagawin kung hindi naman kelangan baka magkaleche leche kau sa pagaayos o pagbabalik!) Ayun sabi nya irestore ko daw yung isang files na nasa calendar. Sunod naman ako. Ang pagkakasabi nya e yung malapit lang daw sa araw na 'to. Syempre dahil masunurin ako hindi ko yun ginawa! Pinili ko yung April 6! Nyahahahahaha! Next lang daw ng next! Hanggang sa mag-reboot ang p.c! Ayun na-restore na! Kaso ang maling pagkakamali eh bumalik ang mga files na pinaslang ko na dito! In short BACK TO APRIL 6 ANG PROGRAM NG COMPUTER KO! Ampfness! Imbes na mapabuti e mas nagkaleche leche ang computer ko! Kaya lahat ng inalis ko dati inalis ko muli! Plus ang topak ng computer ko dahil sa mga files na wala na kaya yung iba hirap tanggalin na! Naka 3 - 6 restart ata ang nagawa ko! Hanggang sa bumalik ulit ako sa system restore at sinunod ko na yung sinabi ni Ate Thess! Ayun ok naman kaso wala naman dun yung mga ininstall ko kahapon/kagabi! Nung ok na balik ulit ako sa Run! Research ulit! Sinunod ko na maigi! Kaso waepek pa rin! Ampfness na talaga! Kaya sumuko nalang ako! Binalik ko nalang yung mga program na nawala!

Note: Kung may alam kayo ukol sa paksang ito, wag kayong mahiyang magbigay ng mensahe kung gusto nyo naman na sa pribadong paraan, kausapin nyo nalang ako (Y.M ko silver_hawker12) kahit sino basta may alam tungkol sa pagbabalik lang ng RUN COMMAND! Pleeaassee!!!!

Tsalamat!!!

Thursday, April 19, 2007

Strolling sa Mall kasama si ako!

Muli pupunta ako ng Mapua para asikasuhin naman ngayun ang pag-shishift ko!

Bago ako sumakay ng jeep kumain muna ako sa mga carenderia! Nagugutom kasi ako! Tutal quarter to 8 palang naman yun! Umorder ako ng tosilog dahil nagugutom ako! Ayan na si pagkain! Nagulat ako kasi 7 piraso ng tocino ang makikita mo at ang hindi pa gaanong lutong itlog! AMPF! Buti nalang garlic rice yun! No choice ako kaya kinain ko tutal gutom naman ako!



LRT na ako ngaun! Syempre dun ako sumakay sa unahan! Favorite place! Nang papalapit na ako sa waiting area naaninag ko ang Xpress (libreng dyaryo sa LRT), kaya dali-dali akong kumuha! Basa basa muna!



Nasa loob na ako! As usual nakatayo! Balik sa dyaryo! Nilipat ko agad sa may Sudoku dahil namimiss ko ng magsagot nun! Hindi na ako bored pag ganun! At yun natapos ko rin ng nasa Legarda palang! Wuhu! Nakatapos nanaman ako! Hindi pa rin pala panis ang utak ko sa pagsagot nun!

Nasa Intramuros na ulit ako! Pumunta muna ako ng Letran para tanungin kung kelan yung pasahan ng requirements! Ayun kelangan papala muna mag-exam para makapag-pasa! Ayun natanggalan nanaman ako ng isang tinik! Punta na ng Mapua! Mapua na! Punta muna ako ng visitors place! Para kumuha ng visitors i.d! Umatake nanaman ang katangahan ko! Dahil hindi ko pa rin alam ang PUSH ngayon hindi ko mabuksan yung pinto! Inakala ko nalang na baka sarado! Pero nung tumingin ako sa loob nakakita ako ng mga tao at nakita ko rin ang mga kaibigan ko na pinagtatawanan ako! Ayun nakapasok ako! Hindi ko muna sila pinansin kasi pupunta muna ako ng Customer Service para mag-apply for shifting! Ayun konting conversation lang! Tapos na agad! Punta na ako ngaun sa mga kaibigan ko!

<>

Nakakita si Paolo ng 50php at tinuro sa akin na tinuro ko naman sa kanila! Nung una wala dumadampot sa amin hanggang sa dinampot ni Kit! Madaming usapin ang tinalakay namin para lang dun sa pera! Naisipan nalang nila na ipambili nalang yun ng Milo Ice Cream kesa ibigay sa Guard! Canteen! Bumili si Paolo, Paul at Kenneth ng Ice Cream gamit yung 50php na napulot! Nilapag nila ngayon yung sukli sa lamesa namin na kinuha naman ni Kit para sa kaniyang pamasahe at kinuha naman ni Ponce para ibili ng Ice Cream!



Umalis na sila kasi may klase na sila at ako destinasyon ko naman ang Library para magpapirma ng Clearance! Tapos kinita ko si Bang! Sinabayan ko siyang kumain dahil nakakaawa siya dahil siya lang mag-isang nag-bebreak! Condolence bang! Hanggan sa naghiwalay na kami kasi aalis na ako!

Sumakay ako ng jeep papuntang Quiapo. Bumaba na ako! Hinanap ko ngayon yung FX papuntang SM Megamall! Matagal tagal din akong nakababad sa initan para lang hintayin yung FX! Sa wakas dumating din! Sa gitna ako nakaupo! At dun nakatutok ang araw kaya walang epekto ang lamig ng FX! Medyo matagal din ang byahe!

Nakarating din sa SM. Nanibago ako siguro sa kadahilanan na rin na matagal na akong di napupunta sa lugar na yun! Pumunta muna ako ng CR! Tapos ang paborito kong tambayan! Ang POWERBOOKS! Medyo matagal din ako dun as usual! Pumunta ako sa kabila dahil ang main reason ko talaga dun e panoorin ang album launch ng Silent Sanctuary! Paborito kong Banda ngayon! Nung pumunta ako wala akong nakita! Kaya bumalik ako! Sa kabila naman e yung may laban ng Badminton! Kaya wala din dun! Nawalan na ako ng pag-asa kaya bumalik nalang ako ng Powerbooks! Nakinig, Nagbasa! Mga 30 minutes din ako dun! Nang nainip na ako umalis na ako! Bumili muna ako ng Frappe! 65php! Nung una napapaisip akong bilhin yun pero nauna pa rin ang takam ko kaya napabili ako! Hanggang sa mapunta ako sa grocery stores at napagisipan kong umuwi na! Tutal wala naman akong gagawin!

Tuesday, April 17, 2007

Si Best Friend!

wala akong maisip na i-title dito e. . . Kwento!


Mga alas-tres ng hapon naalala ko bigla yung best friend ko! Kaya naisipan ko pumunta, pero bago yun tinext ko muna b.f nya baka kasi may pasok sila . . . Ayun hindi nag-reply kaya pupunta nalang ako kahit 50 - 50 ang percentage. Sakay ako ng tricycle then bumaba ako ng SM Savemore para bumili ng Zagu (lagi ko yung ginagawa pag pumupunta ako sa kanila para maiinggit siya! Anyenyenye!) Then sakay ako ng jeep! Sa harap ako sumakay para madaling bumaba kapalit nun eh yung katabi ko. Hanep sa sigarilyo si manong! Lakas bumuga! Tinala pa ang jeep ni manong driver! Ampf! Buti nalang malapit lang babaan ko kundi hihikain ako sa kanya! Eto papala mataba siya kaya yung kalahating pisngi lang ng pwet ko yung nakakaranas ng upo! Yehey nakababa na ako!

Nung nakapunta na ako sa kanila sabi ko pagsilbihan niya ako pero hindi niya ginawa. Ayun kamustahan at usap usap! Mga 2 - 3 hours din akong nasa kanila! Nung nakaramam na ako ng inip dahil may pera naman ako sabi ko sa kanya lilibre ko siya! Pumayag naman! First time kong nilibre siya! Nyahahahahaha!

Sabi niya yung kanto version ng ice craze ng jollibee nalang yung ilibre ko sa kanya. Ngaun pinapili ko siya kung ung 25 pesos na ililibre ko sa kanya o yung 8 pesos! Syempre dahil epal yun ung 25 pesos nalang daw siya nalang daw yung bibili nung tis-8 pesos! Nung nasa bilihan na kami medyo natakam din ako kaya napabili na rin ako. Saging kay April at Mais naman sa akin! Napakatamis nung Ice Craze kuno! Arnibal, Condensed at Evaporated Milk ba naman pagsamasamahin! Dahil yung perang natitira ko e sapat lang sa panglibre ko naglakad nalang kami tutal medyo malapit naman kasama din pala yung kapatid nya! Nung nasa bandang court na kami ng Pag-asa may adik na sumusunod sa amin! Ngayon kinakabahan siya! Kaya sabi ko tumawid kami! Tumawid kami! Tapos yung adik nasa kabilang kalsada, pero kinakabahan pa rin si April! Kaya payo ko (Tip ni Ayie (based on my always experience!) : Pag may pangyayaring ganun kayong naranasan eto lang. 1. Makiramdam muna kung may sumusunod 2. Wag umastang nag-papanic o natatakot 3. pumunta sa tindahan ni manang para bumili ng kendi/babol gam para pampakalma o bawas takot para na rin duun ibuhos ang takot! 4. Kung maraming pasikot sikot sa lugar lumusot basta siguraduhin mo lang kabisado mo yung lugar dahil baka mawala ka! 5. Pag marami namang tao makisiksik ka kung mabaho naman tiisin mo nalang para na din sa ikaka-hahaba ng buhay mo!) yun na nga! Buti nalang tinantanan na kami nung kumag! Kaya peacefull na ulit kami! Nasa Savemore na kami! Hinanap ko ngayon yung shomai na kinakaadikan sa LRT pero nabigo ako kaya sabi ko Goto nalang kami kahit mainit ang panahon! Nyahahahahaha! Uhaw na kami kaya pinabili ko siya ng Iced Tea inabutan ko siya ng 20. Bumalik siya sabi kulang daw kaya pumasok nalang ako sa Grocery at dun bumili ng Nestea! 16 pesos lang! Compare mu dun sa iced tea sa may tindahan! Nabusog naman kami! Kaya sabi ko nasa Angono na rin naman kami pumunta na rin kami kila Jobelle para i-check kung nanduun na siya! Lakad ulit! At yun nasa kanila na kami. Tanong "Anjan po ba si Jobelle?" reply "Ah wala eh nasa mga tita namin!" As usual wala nanaman siya! Kaya balik na kami! Nauna na akong umuwi sa kanya dahil may tricycle na nag-alok! (bago pala kami umalis sa kanila inabot ko yung sulat ko sa kanya! Yun na yung regalo ko! Nyahahahahahahaha!

Monday, April 16, 2007

Saya!!!

Excited ako sa araw na to kasi pupunta ako ng Intramuros! Dapat ang gising ko eh mga 7 pa kaso napaaga, kaya no choice ako maaga nalang ako kumilos. Naligo agad ako, nagbihis, kumain, nag-toothbrush, nagpabango at umalis! Xempre bago umalis hindi pedeng malimutan ang pera! Nyahahahahahahaha! Kaso 500 pera ko, buong 500! Hindi ko alam kung saan ako maghahanap ng papalitan, e ung taong pagpapalitan ko sana n pera e tulog pa ata kaya ang choice ko nalang e pumunta sa supermarket! Mga quarter to 7 palang e nasa tapat na ako ng SM Savemore! Nagdadasal at kumakanta pa ng Lupang Hinirang kaya tambay muna ako sa tapat nun! Nung pumito na yung guard agad akong pumasok kahit ako palang ang customer! Ay hindi pala! 3 pala kami! Pagpasok ko pumunta agad ako sa lugar kung nasaan ang mga beverage! Syempre ang pakay ko ang walang kamatayan na C2! then nagmadali agad ako sa counter! First Customer! Wuhu! Tinanong ko agad kung may barya sila sa 500, buti naman meron! At yun umalis agad ako! Nagmadali! Dapat Fx nalang sasakyan ko kaso walang available kaya jeep nalang! Pagtyagaan ang init! AMPF! Medyo inaantok ako kaso hindi pedeng matulog dahil baka malaglag ako sa jeep kasi nasa unahan ako! Mga 30 minutes din ang biyahe pero parang ang bagal pa rin! Nakarating din ako ng LRT! Namiss ko to! Bili ng card then salpak! Pasok! Tumakbo ako dahil may train na at ayokong mag-antay! Tumayo ako dahil namimiss ko (sa totoo lang no choice! Wala ng bakante eh! nyahahahahaha!) At yun! Sa mga bandang J.Ruiz to V.Mapa naramadaman ko na naiihi ako! Ung C2 ang may sala! Kaya pagbaba ko ng recto hindi ko na pinansin kung ano man ang mga dapat makita diretso chowking agad ako para umihi lang! Success! Sakay na ng Jeep at baba ng Lawton! Pagbaba diretso agad ako ng Letran para tanungin kung hanggang kelan ang pasahan ng requirements para sa transferring! Mga May pa daw! Ayun ok lang! Then punta ng Mapua! yehey! Bago yun bili munang Mentos! Pampalakas loob! Nung malapit na ako nakaramdama ako ng kaba! wanko kung bakit! Pumasok nalang ako pero dahil hindi na ako nag-enroll ngayung term e pumunta nalang ako sa guard house para kumuha ng visitors i.d! Diretso customer service para pakita ung kukunin ko sa kanila! Madaming tao kasi continuation ng enrollment! Ganun talaga sa Mapua! Hapit! Sabi nung babae balik daw ako after 20 minutes! Kaya pumunta muna akong canteen para hanapin si kit at kat! Buti nalang nagkasalubong kami at yun tambay nalang sa catwalk (favorite tamabayan! KO!) Usap usap na parang normal pa rin akong estudyante ng Mapua! After 20 minutes balik akong C.S para kunin na yung kelangan ko, pero hindi pa pala pinababalik ako ng mga 10! AMPF! 1 hour akong magaantay! Kaya punta kaming canteen! Tambay as usual! Usap usap! hanggang sa sumulpot na yung iba kong kaibigan! Usap usap! Mga 10:30 na ako bumalik sa C.S! Pagpunta ko dun! Nakita ko si Menard, Ponce, at Lobos! Usap usap din! At yun! At least e naasikaso na rin ako ng tao dun! May binigay sakin! Clearance! At yun papirmahan ko daw! Sunod naman ako! Punta muna akong treasury office, tanong tanong tanong! Sabi nung guard huli pa daw papapirmahan yun! Kaya punta muna ako sa Office of Student Affairs, then Guidance! Kinausap ako ngaun nung Guidance ko! Masayang part: Nung tinanong kung saan daw ako lilipat at anong course ang kukunin ko sinagot ko. Nung nag-uusap kami sinabi nalang ni miss na pepede daw (lumiwanag ang paningin at nagkaroon ng pag-asa!) Explain Explain Explain! (kausapin nyo nalang ako for more info bout this!) At yun masaya ako! Nakakakita ako ng pag-asa na mapunta sa Mapua Makati! Nyahahahahaha! Bago yun punta muna akong canteen at nandun si Ponce at Lobos kinewento ko ngayon yung nalaman ko! Tapos dumating si Kenneth na sinundan ni Ken na sinundan ni M.J na sinundan ni Menard na sinundan ni Kit na sinundan ni Hannah! Usap usap! Dahil nandun si Menard binuksan nya nanaman ang favorite nyang/nilang topic AKO! Syempre sabaw sabaw nanaman ako as usual! Hanggang 12 yun! Ako ang topic! Pero unti unti na silang nawala kasi may mga klase na sila! Naiwan nalang kaming 3 : ako, ken, at hannah! Nang papauwi na si Ken nagpasama muna ako sa Library para magpapirma kaso sarado ang Library kaya uuwi nalang ako! At yun! yun na yun!

Friday, April 13, 2007

I miss!

Waaaa! Almost 2 months na din akong nakatambay dito sa bahay! At ako'y tinatamad na! Ang dami kong namimiss!

-1- Namimiss ko ang pagsakay sa jeep habang natutulog ako!
-2- Namimiss ko ang pagsakay sa LRT!
-3- Namimiss ko ang pagsakay sa LRT habang nagsasagot ng sudoku!
-4- Namimiss ko ang pagsakay sa LRT habang natutulog!
-5- Namimiss ko ang pagsakay sa LRT habang tinignan ang tanawin pag nasa pinto ka at nakasandal! (bawal un! nyahahahaha!)
-6- Namimiss ko ang pagtakbo para lang makaabot sa train!
-7- Namimiss ko ang pagmamadali pagbaba ng LRT para lang hindi malate!
-8- Namimiss kong makakita ng live na pagnakaw etc.
-9- Namimiss ko ang polusyon ng Manila!
-10- Namimiss ko ang walls ng intramuros!
-11- Namimiss ko ang golf course ng intramuros! (kahit hanggang tingin lang ako!)
-12- Namimiss ko ang pagkain sa walls! (sa intra lang meron nun!)
-13- Namimiss ko ang pag-tap ng I.D sa Mapua!
-14- Namimiss ko ang Chicken na masarap na paborito ko na lagi kong kinakain!
-15- Namimiss ko ang Bitso - bitso!
-16- Namimiss ko ang canteen!
-17- Namimiss ko ang pagtambay sa catwalk! (kahit ako lang ang nag-eenjoy tumambay dun!)
-18- Namimiss ko ang gym ng Mapua!
-19- Namimiss ko ang kaibigan ko!
-20- Namimiss ko ang mga bwisit na tow!
-21- Namimiss ko ang street foods! Especially un! Nakalimutan ko ang pangalan!
-22- Namimiss ko ang Shonin! (shomai at kanin! 15 - 20 php lang! Solve ka na!)
-23- Namimiss ko ang City Hall???
-24- Namimiss kong dumaan sa underpass!
-25- Namimiss ko ang SM Manila!
-26- At huli namimiss kong magka-baon!

Sabagay lahat yan ay babalik dahil sa April 16, pupunta ako ng Intra! YEHEY!

Tuesday, April 10, 2007

Tropapips!

Dahil na-mimiss ko na ang mga tropa at kaibigan ko sa Mapua e na-inspired akong gawin ito! Wala lang naisip ko lang ipakilala sila base sa pagkakakilala ko sa ugali nila sa loob ng 3 semester!

Game:

Menard : the best tong taong to'! Mabait, Mayaman at Mataba! Nyahahaha! Sa 17 years kong nabubuhay sa mundong ibabaw ngaun lang ako nakakilala na super generous na tao na tulad nya! Sa kanilang lahat sa kanya lang ako nagkekwento ng mga kaekekan ko nung high school pati siya rin ang unang nakakaalam ng mga crush ko pero pagkatapos ng ilang minuto kalat na agad! nyahahaha! Pero mabait talaga yan! The Best!


Ken
: Kabaligtaran ng ugali ko! Kung ako tahimik eto madaldal, kung ako alternative lang siya metal rock, at kung ano ano pa! Makikita mo agad sa porma ng hinayupak na to kung anong genre nya! Obvious na agad eh! Unlike ng mga poser na rakista, sya yung rakista na kahit anong ipasuot mo eh mererecognized mo agad na rakista! Kahit formal! Tsk! Malupit to! Pag kasama ko to napaka-daldal! Isang bagay lang ang napapakasunduan namin! Malakas kapit nito sa swerte! Wala pang bagsak kahit alanganin siya sa ibang subject niya! Ang pagiging "KURIPOT" nyahahaha!

Kit : Malaki at mataba (tama lang sa height nya ang taba nya!). The best din, maasahan pagdating sa Computer! Magaling mag-hack! Malakas mag-obserba ang taong to! Sa kanya ako natutong maging alert pagdating sa mga strange people na na-memeet namin especially sa underpass sa manila at divisoria kahit hindi ako madalas pumunta! Matalino din! Masaya kasama!



Ponce :
Surname nya lang yan! Nasanay nalang kami na ganyan ang itawag sa kanya! Mabait to! Tahimik ng medyo lang! Matalino din! Maasahan sa Math (malamang engineering ang kinukuha eh!) Friendly! Mabilis makahikayat pag magpapasama! Isa lang ang masasabi ko sa lakaran hindi mo mapapasama especially sa birthday paano ba naman Saksi ni Jehovah (tama ba spelling?) ang religion! At mag-ingat din kayo kasi tinitopak siya!

Kenneth : Ang pinaka-malibog! AMPF! Okay lang yun! Lahat nalang ng babae e iniisipan nya ng kalibugan! (peace! nyahahaha!) Pikon tong taong to kaya hinay hinay lang ang pang-aasar dapat! Kaya muntik na kaming mag-away dahil sa asaran! 3rd term ko lang to naging close! Matalino din! Maasahan!


Kat :
Ang pusa ng tropa! wahahahaha! Sa tingin ko ako ang nagpauso ng pagiging pusa nya! Nakuha ko lang yung ideyang yun dahil sa boses nya at itsura! Wahahahaha! Close kong babae! Lagi nag-kekwento sa akin! Halos lahat ata ng section niya e may mga crush siya! Kaya laging kompleto araw niya!


Jenni :
Ang hopefull FHM model! Nyahahahaha! Ako lang nag-pauso nyan! Natutuwa kasi ako pag-inaasar ko siya ng ganun! Ewan ko basta pag-nakikita ko siya either baboy o FHM ang itatawag ko sa kanya! Maraming problema sa lovelife nya! Hahahahaha!





Francis :
Eto talaga ang tahimik pero pag mga lalaki na ang kasama lalabas na ang tunay na ugali! Ang kalibugan! Nyahahaha! Kasundo ko sa Bleach!

Rosela : Ang kabata ko! Isip bata! Katabi ko lagi pag alphabeticall order ang pwesto! Masaya kasama kasi babaeng rakista! Malibog din, kababaeng tao! Minsan na rin akong na-link sa hinayupak na to dahil sa lagi kong kausap! Ewan ko ba! AMPF!



Bang :
Isa sa mga pare ko! Galing sa all girls school! Pero lalaki pa kumilos sa akin! Matapang pero mabait! Isa sa mga taong canteen! Dun ang tambayan niya! At isa sa mga minsanan kong kasabayan sa pag-uwi! (nasa gitna siya!)

Hannah : Isa din siya sa mga pare ko! Naging ka-group ko sa Chem-lab! Matalino (CHE eh!)! Isa sa mga taong lagi kong nakakasabay sa pagpasok/pauwi ng school! At napasama nya akong makapunta ng Beda! Nyahahaha! (nasa tabi ni bang! Yung nakadilaw! Nyahahahahaha! Nasa kanan!)


M.J :
Ang diyosa ng canteen! Wala lang pauso lang! Napag-tripan lang namin na iyon ang itawag sa kanya dahil sa wala lang! nyahahaha! Laging nag-aaral kahit saan siya! Pero isa ding masamang nilalang! (manglalait din eh!) (nasa kaliwa!)

Peji : Also known as Peji 123 baket? kasi bago sa lumingon kelangan mo munang mag-bilang ng 123 bago siya lumingon at makuha ang atensiyon mo! Siya lang ang kilala kong kinakareer pati P.E at NSTP!

Ate Thess : Nakilala namin ni Menard sa MatLab! Pag nakita mo aakalain mong kaedaran mo lang pero pag age na ang tinanong mo magugulat ka nalang! 23 na kasi! Tanda nu? Nyahahaha! Pero masaya kausap kasi maraming kwento dahil sa experience nya sa lahat! Unang taong nagpatikim sa akin sa Yellow Cab! Lagi kong kasabay minsan sa LRT! Kasundo ko kasi adventurous siya!

Ayan silang lahat! Kahit lagi akong inuulanan ng asar sa mga yan e ok lang! Kasama sa buhay yun! Hindi naman ako naaasar eh! Pero higit sa lahat mamimiss ko lahat yan! First time kong makameet ng mga ganyang tao! Kakaiba sila!

Sunday, April 8, 2007

Laboy na rin atang maitatawag to'?

Mga 3 or 4 e nag-p.m sakin ang kaibigan kong si arrjay para samahan ko siya sa kaibigan o kung ano relasyon nya dun sa taong yun para kunin ang C++ cd nya! Xempre ako dahil dakila akong kaibigan e pumayag tutal may 80 pesos naman akong pera at wala rin akong ginagawa at mabuti dahil dumating na din ang mama at papa ko kaya pede akong lumaboy. Ngaun naghihintay nalang ako ng reply kung lalarga na ba kami. Dahil sa tagal ng kausap nya nautusan pa tuloy akong maghugas ng pinggan pero ok lang kasi good mood naman ako e! At yun nagsabi na aalis na nga kami agad akong nagpalit ng damit at nag-toothbrush at nag-pabango!. Nang nasa labas na ako nakita kong nakaharang ang mga munting anghel na nagnonobena! (ewan ko kung bakit nila ginagwa ngaun yun!) E xempre dahil nakaharang sila dun, no choice ako kaya lumayo pa tuloy ako papuntang sakayan! Nag-tricycle ako at yun nakarating ako! Xempre bago ako kitain xa bumili muna ako ng mani! (68 php remaining.). Sumakay kami ng jeep papuntang muzon at yun nakarating kami (61 php), dahil hindi namin alam yung bahay kinontak namin yung best ko at bf nya dahil alam nya yung bahay! Dahil um-oo naman sila naghintay kami! Matagal-tagal din kaming nag-antay kaya napilitan kaming mag-load (41php), para itxt sila! At yun hindi nainip na si arrjay kaya pumunta nalang kami sa bahay ng best ko kaya balik binangonan kami! Malayo bahay nila kaya nakakapagod! (34php), ngaun nung nakarating kami sa kanila yayain sana naming sumama kaso walang tao sa bahay nila kaya ginawan nya nalang kami ng map! Then balik ulit kami ng muzon! (27php). Dahil medyo alam ko naman yung lugar na yun hindi na kami naligaw. Ngaun ang problema nalang e kung paano namin mahahunting yung hinahanap namin na tao! Kaya nagtanong-tanong kami at yun natuntun din namin ang kinaroroonan nya! Pero worthless din kasi wala pala sa kanya yung hinahanap naming cd. (huhuhuhuhu). Kaya kawawa naman yung kaibigan ko! Nasayang ang pera at pagod namin sa wala! Kaya balik angono kami! (20php) Pagbalik namin eh iniwan ko na siya at uuwi na ako tutal medyo malapit lapit naman ang bahay nya compare sa akin kaya sumakay na ako ng tricycle (13php!) Dahil naawa naman ako sa matalik kong kaibigan eh nagtanong tanong na din ako kung meron silang C++ na cd pero wala! Kaya yun! Pero kani-kanina lang e niyaya ako na pumunta sa brookside syepre di na ako pumayag dahil gabi na rin at di na ako pinyagan! Kaya yun di ko alam nangyari sa kanya pero nakuha nya rin yung cd! Yehey! Ampf 13 pesos lang ang natira sa 80 pesos kong pera! Huhuhuhuhuhu!

Saturday, April 7, 2007

Surprised!

Before pa mag-April I was planning to surprised my bestfriend, kasi debut nya! Unang plan ko bilhan nalang ng cp at yun ang ireregalo ko, pero dahil walang pera hindi na natuloy. . . Ngaun naisipan kong tanungin nalang yung bf nya kung ano plan at yun nagkaroon ako ng idea at iyun ay i-surprise siya sa mismong araw ng birthday nya!

3 days before ang birthday nya pumunta ako sa bahay ng teacher namin nung 3rd year para kausapin siya about the birthday. Maraming kaming pinag-usapan tulad ng handa, panu isusurprise at kung ano ano pa!

Then 1 day before ang birthday niya kasama ko naman ang bf niya para kontsyabahin din! Then kasama ko si jep para pumunta sa bahay ng best kong isa pa si arrjay! Para kumuha ng konting luho para sa pambili ng pagkain! At yun nakakuha ako ng 50php sa kanya! Next pits stop, tindahan ng mga pansit! At salamat dahil kahit huwebes santo e may nagpapa-order pa rin! 200 ang presyo, e 150 lang pera namin! E dahil si jep naman ang kukuha siya na daw ang bahala!

Dumating ang biyernes santo at ang bday nya! Dahil inutusan ko siyang pumunta sa bahay namin ng 10 pumunta nga sya (kasama sa plano!). Kaya inaliw aliw ko muna siya dito sa bahay! At yun dumating ang takdang oras sinamahan ko siya dun sa pupuntahan niya!

Pagdating dun pumasok kami sa bahay ng teacher namin at yun! Nagulat siya sa nakita nua at umiyak dahil hindi nya expected na ganun ung gagawin namin: Irish, Jep, Arrjay, Mam Sally, Bf nya at ako!!! Kaya yun! Kainan na!

Pagtapos dumiretso kami ni arrjay sa bahay nila at kumain ng ginataan! Dahil sa boredom ni arrjay eh umalis na kami at iniwan namin ang mag-syota!

Sunday, April 1, 2007

Simba, Mall at Peace

Simba. . .

Makalipas ang 9 months na hindi pagsisimba, e muli nakapagsimba na rin ako! (sa wakas!). . . Ang sabi samin 9 daw ang start ng misa. Kaya mga 8 e umalis na kami dito. Mabigat dala ko kasi dala ko yung laptop ko! Pagsakay ko sa jeep bigla kong namiss ang pagbabyahe panu ba naman mahigit isang buwan na rin akong hindi nakakasakay ng jeep ng medyo malayo-layo. (namiss ko rin ang pagtulog!). Pagdating namin dun sumakay kami ng tricycle papunta sa church. Yung church pala na pupuntahan namin e yung building na nilalait-lait ko dahil mukang parking lot sa mall. Pero ayus lang. Pagdating namin dun dahil ngaun lang kami nag-church sa lugar na yun e medyo nanibago ako. Konti palang ang tao, mga kamag-anak namin. Inabot na kami ng 9:30 pero kami pa rin ang tao kaya nag-start na yung misa. Nung medyo mga 10 e nagsisidatingan na yung mga tao, pero konti pa rin. Tinannong ko ngaun yung pinsan ko kung ganito ba talaga ka-konti ang nag-sisimba dito sagot nya naman e hindi daw, ngaun lang daw konti ang umattend. Naisip ko tuloy malas kami! Ahahahahaha!. Sandali lang yung misa compare sa pinagsisimbahan namin sa Antipolo. Kaya mga 11 e natapos na. Tapos pumunta kami sa bahay ng kamag-anak namin para mag-lunch. . .

Mall. . .

Nang-maramdaman namin na mainit na e naisipan naming pumunta sa Sta. Lucia. Kailangan munang sumakay ng isang jeep mula sa tita ko hanggang dun. Mga 30 minutes ang byahe. Pagkarating namin dun pumunta agad kami sa tindahan ng mga cellphone. Bibili kasi ang kapatid ko ng cp. L7 ng motorola ang binili. Pagkatapos nun Robinson Metro East naman ang pinuntahan namin para checkin ang WiFi ng laptop ko. Pero bago yun pumunta muna ng department store para bumili (malamang). Then binilhan ng bag ang laptop ko. Then punta sa last floor ng Rob para i-check na ang WiFi nun. Tapos ayun kelangan ko pang ayusin para makasagap ng signal. Tinatamad pa akong kalikutin eh.

Peace. . .

Pinapunta ko best friend ko sa bahay namin. Wala lang para samahan niya ako maki-pag peace sa kaibigan ko. Alam kong nagsisimba siya nun kaya dun muna sa iba naming kaibigan kami pumunta. Medyo napahaba ang paguusap namin kasama ang ibang kaibigan kaya inabot kami ng alas 6 ng gabi. Kaya humiwalay na kami para pumunta sa kaibigan ko para makipagbati. Pag dating namin yung best ko lang ang pinapasok ko sa bahay nila syempre ayaw pa kami kaya nahihiya ako. Pero after 10 minutes e lumabas silang 2, tapos tinawag ako at yun nagtawanan nalang kami ng nakaaway ko kaya ok na ulit kami! HAHAHAHAHA! At yun usap-usap tapos umuwi na kami. Nauna na akong umuwi sa best ko kasi kakain na ako!