Never Ending Happiness
Hanggang ngayon wala pa siya. OK lang may bukas pa pero malabo. Aalis ako bukas. Bahala na.
Dec. 29
May lakad kamingg dalawa. Natuloy kami. SM Megamall ang meeting place. Dahil pinapalayas na ako ng nanay ko umalis ako at ng kaibigan ko dito ng 2:30. Pagdating namin dun nakipagkita ang kaibigan ko sa classmate nya. Laboy laboy muna. Hanggang sa dumating ang takdang panahon. Andun na siya. Nagpapanic nanaman ako. Sa Red Ribbon kami magkikita dahil gutom ako at nararamdaman kong gutom sya. At yun gutom nga sya. In a few moments, dumating na sya kasama ang kapatid at mga pinsan. Pero tumiwalag naman sya. At yun kumain na kami. Usap usap. Kahit mga walang kwentang bagay e pinagsasabi ko na, hindi lang sya mainip. Oo concern nanaman ako. Bumili sya ng envelope sa NB at sinamahan ko naman. After nun nanonood kami ng sine. Shake Rattle and Roll. Bumili ng popcorn at imbis na matakot tinawanan ang palabas. Nang matapos hinintay ang mga pinsan nya sa labas ng sinehan. Sabay sabay lumarga. Pumuntang toy kingdom at may nakitang kaibigan nya. Nung pinakilala ako, nagulat ako. Sabi nya "Ah siya pala yung cyrile!". Wow sikat pala ako! :))) Umalis kami at nagkayayaan silang kumain sa KFC. Hindi ako kumain dahil busog naman ako at wala na talaga akong pera. Nakakahiya ako. Ang hirap maging dukha. Pero nauwi din sa nilibre ako. Hiyang hiya ako. Sobra. Ayun. Kwentuhan ulit kaming dalawa. Komportable na ako sa kanya. Promise. Pakiramdam ko close pa kami kesa sa mga kaibigan ko na lagi kong nakakasama (didisregard ko ang mga kaibigan kong tunay). Basta yun. Nawala yung hiya ko. Hanggang sa umabot yung time na gusto ko ng magtapat pero hindi ko alam kung paano. At the same time natatakot ako. Natatakot ako dahil kahit alam ko na ang pagtingin namin sa isat isa wala pa rin yun kasiguraduhan na tatanggapin nya alok ko. Natatakot ako na baka mangyari ulit na mareject ako. Ayoko nun. Ang sakit nun. Basta ang hirap iexplain ng mareject. Tsk. Hanggang yun. Naglakas loob akong itanong, pinabasa ko ang text dahil hindi ako makapagsalita. Sabi nya hindi ko alam. Natahimik ako. Mixed feelings. Pero inisip ko nalang na maging masaya. Hindi ko trip ang magpa-alila sa lungkot o kahit ano pang related sa kanya. Pero kahit ganun wala. Nangingibabaw pa rin ang worry at takot. Ang hirap. Pero special sya. Rare Species. One of a kind. The best girl. No one can replace her. Basta kakaiba ang epekto nya. Basta. Yun nga nakakamiss. Gusto ko syang makasama araw araw. Iba yung pakiramdam nung kasama ko sya kahapon. Walang stress walang pressure. Lahat ng problema wala. Ang nasa utak ko lang e ang siya at kung paano ko sya papasayahin.